Malakanyang bagong-bihis sa renovation!

Malakanyang bagong-bihis sa renovation!

February 7, 2023 @ 9:23 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bagong bihis na ang ilang bahagi ng Palasyo ng Malakanyang matapos na isailalim sa renovation o pagsasa-ayos makaraan ang 4 na dekada.

Sa mahigit naĀ 6 na buwan sa puwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay nagawa ng administrasyon nito na bigyan ng bagong bihis ang Palasyo ng Malakanyang.

Sa ulat, sinasabing personal na tinutukan ni Unang Ginang Liza Areneta-MarcosĀ ang mga renovation sa Palasyo ng Malakanyang kung saan kabilang na rito ang Ceremonial Hall at Reception Hall kung saan tinatanggap ang mga mahahalagang bisita ng bansa.

“President Barack Obama, Hillary Clinton, Prime Minister Shinzo Abe ay dumaan na dito. Pope Francis [and] Pope John Paul II ang ilan lamang sa mga pinaka-importanteng bisita ng MalacaƱang through the years,” ayon kayĀ  Louie Esquivel, Presidential Museum and Library tour guide.

“Good impression, of course, is very important because we’re inviting them here which is the most prestigious institution of our country which is in MalacaƱang Palace,” dagdag na pahayag niĀ  Esquivel.

Sa kabilang dako, maliban sa Ceremonial Hall at Reception Hall, sumailalim din sa renovation ang Internal House Affairs Office, Office of the Social Secretary, Protocol Office, at central kitchen ng Palasyo ng Malakanyang.

May ginagawa ring pagsasa-ayos saĀ  Bahay Pangarap, angĀ  official residence ng Pangulo.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa masabi ng Malakanyang kung magkano ang nagastos sa nasabing pagsasa-ayos. Kris Jose