Malakanyang, binuksan ni PBBM para sa Simbang Gabi

Malakanyang, binuksan ni PBBM para sa Simbang Gabi

December 17, 2022 @ 9:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bukas na ang Palasyo ng Malakanyang sa publiko para sa Simbang Gabi.

Ito ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes.

Ginawa ng Pangulo ang nasabing anunsyo sa Christmas party ng mga empleyado ng Office of the President sa parking area ng Mabini Hall sa loob ng Malacanang compound.

Ayon sa Pangulo, ang daily masses ay gagawin tuwing alas-4:30 ng madaling-araw sa harap ng Mabini Hall.

Ang mga attendees ay maaaring pumasok sa Gate 6, direktang nasa harap mismo ng Kalayaan Hall.

Matatandaang, dalawang linggo na ang nakararaan ng pangunahan ng Pangulo ang ‘lighting’ ng Christmas tree sa Kalayaan Grounds sa Malakanyang kung saan sinabi nito na ang kanyang layunin ay tiyakin na ang bawat batang Filipino y mayroong Pasko.

Ayon sa Pangulo, “good goal” aniya ito para ngayong Kapaskuhan.

Mapalad aniya ang bansa dahil makapagdiriwang ng Pasko ang mga mamamayan sa kabila ng mga hamon na kinahaharap.

Kasunod ng Christmas tree lighting event, pinangunahan din ng Pangulo ang gift-giving event at Christmas celebration sa harap ng Palasyo ng Malakanyang.

Sa ilalim ng event theme na “‘Balik Sigla, Bigay Saya: Nationwide Gift Giving,” may 600 na bata ang Inimbitahan sa event, na sabay-sabay namang ginawa sa 40 iba’t ibang lokasyon sa bansa. Kris Jose