Malakanyang bumuo ng task force na lilikha ng hanapbuhay, magpapasigla sa ekonomiya

Malakanyang bumuo ng task force na lilikha ng hanapbuhay, magpapasigla sa ekonomiya

February 23, 2021 @ 1:44 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagtatag ng bagong task force ang administrasyong Duterte na tututok naman ngayon sa paglikha ng hanapbuhay at magpapasigla sa pamumuhunan para buhayin ang nanamlay na ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa kanyang virtual presser, araw ng Martes na umabot na ang unemployment o kawalan ng trabaho sa 17.6 percent ng populasyon o 7.2 milyong filipino noong Abril, na sinasabing kalahati ng 8.7 percent noong nakaraang Oktubre.

“Even so, authorities “recognize that a coherent national strategy can help create a policy environment that encourages generation of more employment and entrepreneurship opportunities,” ang pahayag ni CabSec Nograles.

Sa idinaos na cabinet meeting, Lunes ng gabi ay nabuo ang task force na ang pangunahing layunin ay “to help move the [National Employment Recovery Strategy or] NERS along,” Nograles said.

“The body will be co-chaired by the labor and trade departments, and the Technical Education and Skills Development Authority,” anito.

Pinag-usapan naman ng task force ang mga sumusunod na usapin gaya ng pangangailangan para sa isang “whole-of-government approach” na makatutulong para makalikha ng hanapbuay at makapaghikayat ng mga mamumuhunan; abot-kayang testing requirements para muling makapagsimula ang tourism industry; at polisiya na makapagpapalakas sa pananalapi Financial Institutions Strategic Transfer Bill  na tinintahan upang maging ganap na batas noong nakaraang linggo.

“An Executive Order is now being readied to institutionalize the NERS Task Force in order to oversee all these efforts,” ang pahayag ni CabSec Nograles.

Matatandaang, nauna nang itinatag ng Pangulo ang iba’t ibang task force na nakatuon sa korapsyon sa pamahalaan, typhoon Ulysses rehabilitation, emerging infectious diseases, mga anomalya sa PhilHealth , African swine flu, kagutuman, El Niño, Manila Bay makeover, communist armed conflict, Boracay pollution, federalism, illegal drugs, media security, Marawi rehabilitation, at marami pang iba.

“Task forces are needed to “synchronize and coordinate efforts. Kung mapapansin ninyo, ang style of management dito sa administrasyon ni President Duterte is we’re breaking silos between and among agencies,” ayon kay CabSec Nograles.

“Through the task forces that are created, we are able to create synergy and coordination ng efforts ng lahat ng mga agencies and departments involved. And we’ve been quite successful in breaking those silos and creating better coordination,” aniya pa rin. Kris Jose


  •  
  •  
  •