Malakanyang: COVID-19 isolation nakumpleto na ni PBBM

Malakanyang: COVID-19 isolation nakumpleto na ni PBBM

July 15, 2022 @ 4:45 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakumpleto na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang isolation matapos masapul ng COVID-19, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Biyernes.

“Ok na po as of his doctor’s findings yesterday. Tapos na rin po ang isolation niya,” tugon Cruz-Angeles nang tanungin ukol sa kondisyon ng Pangulo.

Hindi sinabi ni Angeles kung mayroong face-to-face engagements si Marcos ngayong Biyernes.

Nagpositibo ang chief executive sa COVID-19 nitong Hulyo 8.

Gayunman, napangasiwaan pa rin ni Marcos ang ikalwang Cabinet meeting nitong Martes sa isang videoconferencing.

Nagkaroon din siya ng virtual meetings kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture at ng National Economic and Development Authority. RNT/SA