Malakanyang: DOH bahala na sa inilabas na EO sa Cebu

Malakanyang: DOH bahala na sa inilabas na EO sa Cebu

June 10, 2022 @ 5:36 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Ipinaubaya ng ng  Malakanyang sa Department of Health  (DOH) ang anumang ipalalabas na kalatas hinggil sa inilabas na Executive Order No. 16 ng pamahalaang Cebu.

Sinasabing, ito ang  kautusang tinawag na ‘Rationalizing the Wearing of Face Masks within Cebu’ na nilagdaan nito lamang kamakalawa.

Sa ilalim  kasi ng nasabing  direktiba, hindi na obligado pa ang pagsusuot ng face mask sa mga open spaces.

Sinabi naman ni Acting Presidential spokesperson Secretary Martin Andanar,  bahala na ang DOH  na magbigay ng komento sa nasabing EO na inisyu ng Cebu government.

Subalit, kung matatandaan  aniya sa mga nakaraang pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte partikular sa regular na Talk to the People nito ay nababanggit ng Presidente na dapat panatilihin ang pagsusuot ng face mask.

Sisiguraduhin aniya niya na hanggang sa matapos ang kanyang termino ay dapat na nakasuot ng proteksiyon ang mga Pilipino laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng face mask. Kris Jose