Malakanyang, ginagalang ang desisyon ng DoJ sa isyu ni Sister Fox

Malakanyang, ginagalang ang desisyon ng DoJ sa isyu ni Sister Fox

June 18, 2018 @ 6:06 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Ginagalang ng Malakanyang ang ginawangpagbaligtad ng Department of Justice (DoJ) sa naunang desisyon ng Bureau of Immigration (BI) na binabawi ang missionary visa ng Australian missionary na si Sister Patricia Fox.

“We respect that resolution by the DOJ secretary,” ani Presidential spokesperson Harry Roque sa isang text message.

Pinagbigyan kasi ng DoJ ang Petition for Review na inihain ng kampo ng nasabing madre.

Ngayong araw sana mapapaso ang 30-day period na ibinigay ng Immigration Bureau para sa petisyon ni Sister Fox.

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na tila umabuso sa kanilang kapangyarihan ang BI pagdating sa kaso ni Fox.

Ito’y sa kabila ng kinikilala ng DOJ ang mandato ng Bureau of Immigration para sa mga dayuhang lumulabag sa ilang panuntunan ng batas.

“What the BI did in this case is beyond what the law provides, that is why it has to be struck down,” ayon kay Guevarra.

Sa ulat, sa inihaing petisyon ng kampo ni Fox, kanilang sinabi na 27-taon na sa bansa ang nasabing madre at isa umanong aktibo sa kanyang pakikibahagi sa ilang civic works lalo na sa mga lalawigan.

Si Fox ay inakusahang kabilang sa hanay ng mga militanteng grupo na tumutuligsa sa kasalukuyang administrasyon.

Naglabas pa ng ilang larawan at video ang Malacañang kamakailan na nagpapakitang kasama si Fox sa ilang mga political rallies na ipinagbabawal sa mga dayuhan.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos sa imbestigahan at paalisin sa bansa ang nasabing madre. (KRIS JOSE)