Malakanyang, hindi pa matiyak kung makakauwi ng bansa si Sison sa Agosto

Malakanyang, hindi pa matiyak kung makakauwi ng bansa si Sison sa Agosto

June 20, 2018 @ 5:05 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hindi pa makumpirma ng Malakanyang kung matutuloy ang pag-uwi sa bansa ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison  sa buwan ng Agosto para sa makiisa sa peace talks.

Ang malinaw lamang ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay naiparating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kampo ni Sison na sa Pilipinas at hindi na sa Norway gaganapin ang peace negotiations.

Bukod dito, wala rin aniya siyang natatanggap na impormasyon mula kay Presidential Peace Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na payag nang bumiyahe ng Pilipinas si Sison para sa pagbabalik ng peace negotiation.

Kasalukuyan ngayong nasa Norway si Dureza upang personal na ipinapaalam sa liderato ng CPP ang pinakahuling pasiya ng presidente tungkol sa peace talks.

Samantala, sinabi naman ni NDF Consultant Rey Casambre na uuwi ng bansa si Sison sa Agosto. (Kris Jose)