Malakanyang, hindi tanim-bala ang nangyari sa isang pasahero sa NAIA Terminal 3

Malakanyang, hindi tanim-bala ang nangyari sa isang pasahero sa NAIA Terminal 3

June 18, 2018 @ 4:24 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Hindi kinukunsidera ng Malakanyang na tanim-bala ang nangyari sa isang Kristine Bumanlag Moran na umano’y nabiktima ng ‘tanim-bala’ NAIA Terminal 3 noong Hunyo 15, 2018, na nag-viral pa sa social media.

Ang paliwanag ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang tanim-bala ay kapag nahanapan ng baril ay dahilan na aniya ito upang hindi makaalis ang isang pasahero at ang mga corrupt opisyal sa NAIA ay magkakaroon na ng pagkakataon na kikikilan na ang pasahero para ito’y makaalis lalo pa’t kung ito’y OFW.

Ang nangyari aniya kay Kristine Bumanlag Moran ay nakitaan ng bala ang luggage subalit pinaalis din.

Aniya, matapos ang imbestigasyon ay lumabas na may kapamilya si Kristine Bumanlag Moran na military at kapatid na pulis din.

Lumalabas din aniya na posibleng hindi kay Kristine Bumanlag Moran ang ginamit nitong maleta at posibleng may naiwan lamang ditong bala.

Kaya nga hindi masasabing tanim-bala incident dahil hindi naman naabala si Kristine Bumanlag Moran sa kanyang pag-alis.

Ang nangyari lamang aniya ay kinumpiska ang bala at hinayaang umalis ang nasabing pasahero.

Pinanindigan naman ng Department of Transportation (DOTr) at Manila International Airport Authority (MIAA) matapos lumabas ang resulta ng imbestigasyon sa reklamo ng isang Kristine Bumanlag Moran na umano’y nabiktima ng ‘tanim-bala’ sa naturang paliparan.

Bago ito sinabi ni Special Assistant to the President Bong Go na inatasan na rin ni Pangulong  Duterte ang Manila Airport Authority at Department of Transportation na imbestigahan ito.

Sa ginawang imbes­tigasyon, maliwanag na sa  luggage ay may nakitang isang pirasong 9mm live ammunition na nasa ilalim ng harapang bulsa ng bagahe ni Moran na nakabalot ng plastic ng isalang ito sa initial x-ray machine security checkpoint.

Isinagawa ang ins­pek­siyon sa harapan mismo ni Moran, at ki­nu­­­ha­nan pa ng video ng screening personnel upang mai­wasan ang hinala ng anumang “tanim bala.”

Dito ay nadiskubre ang isang piraso ng live ammunition ng kalibre .9mm sa bagahe at ka­agad itong ipinaalam kay Moran.

Mismong si Moran pa umano ang nagtanggal ng clear plastic wrap ng kanyang bag, na nakitaan ng imahe ng bala.

Nakuha ang bala at inilista lamang ang insidente sa NAIA’s official records.

Sina Moran at kasama nito ay pinayagan ding makasakay ng eroplano patungong Zamboanga.

Sa kabila naman nito, lumikha pa rin ng eksena sa paliparan si Moran at kung anu-anong bintang ng tanim-bala ang ipinukol sa mga airport personnel, na ipinaskil pa nito sa Facebook, at malaunan ay nag-viral.

Pinanigan naman ng DOTr-MIAA ang kani­lang mga tauhan at iginiit na walang iregularidad sa ginawa nilang inspeksyon sa bagahe ni Moran.

“Note that since the Duterte administration took over, not a single passenger has missed a flight due to a piece of ammunition. Not a single passenger was asked to pay any amount to anyone, which is what the “tanim bala” scheme is all about,” paliwanag pa ng DOTr. (KRIS JOSE)