Manila, Philippines – Hinimok ng gobyernong Duterte ang mga nasa pribadong sektor na maglagak ng ibang uri ng pamumuhunan sa bansa.
Ang panawagan ng Malakanyang sa mga mayayamang negosyante ay pasukin angventure sa pagtatayo ng mga oil depot sa bansa.
Ayon kay Presidential spokesman Secretary Harry Roque, nagpapatuloy ang pagdating ng inangkat na diesel galing ng Russia na isang bahagi ng hakbang ng gobyerno tungkol sa energy security.
Good news aniya ito ayon kay Roque pero sa kabilang banda’y problema gayung walang sapat na imbakan ang bansa para paglagyan ng mga inaangkat na langis.
Kaya ang panawagan ng Malakanyang sa mga nasa private sector, magtayo ng oil depot sa harap na din ng target ng pamahalaan na mapababa ang halaga ng produktong petrolyo at mapalakas ang seguridad ng enerhiya ng bansa. (Kris Jose)