Malakanyang, inaasahan na ang mga patutsada ni VP Leni sa Duterte admin

Malakanyang, inaasahan na ang mga patutsada ni VP Leni sa Duterte admin

September 16, 2020 @ 2:23 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inaasahan na ng Malakanyang na walang sasabihing maganda si Vice President Leni Robredo sa gobyernong Duterte sa gitna ng patuloy na pagbatikos nito sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Sinabi kasi ni Robredo na kulang ang pamahalaan ng “cohesive plan” at walang malinaw na direksyon  sa pagresolba sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“She is entitled to her opinion. Of course as the leader of the opposition, we don’t expect anything positive about this administration from her. We’ve accepted that. I think people have accepted that,” presidential spokesperson Harry Roque.

Maaari aniyang sabihin ni Robredo ang lahat ng negatibo tungkol sa administrasyon basta ang importante aniya ay suporta sa sambayanan ang Pangulo.

“She can say all the negative things about the administration but [the] people still support the President,” ayon kay Sec. Roque.

Sa ulat, iginiit ni Robredo na may karapatan siyang maging kritiko ng gobyerno.

Dagdag pa nito na marami siyang nakikitang kakulangan sa tagal ng pagsasailalim sa lockdown.

Aniya pa, ang pagsibak kay  Health Secretary Francisco Duque III mula sa puwesto ay hindi naman makapagbabago  sa kahit na  anuman kung ang sistema  na tinawag niyang bigo ay mananatili.

Ani Robredo na gagamitin niya ang posisyon niya bilang bise-presidente upang maging boses ng madla. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...