Malakanyang: Kakulangan ng asukal tatalupan kung gawa-gawa lang

Malakanyang: Kakulangan ng asukal tatalupan kung gawa-gawa lang

August 20, 2022 @ 9:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mahigpit na susuriin ng gobyerno ang mga bodega sa bansa para malaman kung totoo o gawa-gawa lang ang kakapusan sa suplay ng asukal.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang susunod na hakbang ng pamahalaan ay ang  alamin kung ang kakapusan ng asukal ay artificial.

“Subaybayan n’yo po at tuluy-tuloy kasi ‘yung operasyon natin dito sa pagi-inspect ng mga warehouses so we can get to the bottom of what appears to be an artificial shortage,” ayon kay Cruz-Angeles.

“Whether or not it is artificial will depend on the evidence produced by these warehouse operations,” dagdag na pahayag.

At sa tanong kung maglalaan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng  lahat ng “sugar output for crop year 2022-2023 para sa domestic use, sinabi ni Cruz-Angeles, “Depende po ‘yan sa magiging findings natin.”

“Ang tinitingnan natin sa ngayon ay kung artificial ba ang shortage ng asukal o hindi at ang paga-allocate po ay magiging base sa kung mayroon ngang kakulangan o hindi. So titingnan pa po natin,” ang wika ni Cruz-Angeles.

Nauna rito, kinumpirna ni Cruz-Angeles na may panukalang mag-angkat ng 150,000 metric tons ng asukal. 

Ang detalye ng pag-angkat ay inaayos pa sa ngayon. 

“Ito po ‘yung sinasabi na 150,000 metric tons ng asukal na iimport, kalahati na mapupunta doon sa industrial users po. Wala naman pong ibang napagusapan,” aniya pa rin.

“Hindi pa po yata final, may winoworkout lang, iaannounce po namin kapag final na po ito, it is yes a proposal and is seriously being considered,” sinabi pa ni Cruz-Angeles.

Matatandaang ibinasura ni Pangulong Marcos ang panukalang mag-angkat ng  300,000 metric tons ng asukal sa gitna ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.

Samantala, binansagan ng Malakanyang ang  Order No. 4 bilang illegal, nag-convened kasi ang Sugar Regulatory Board at nagpalabas ng resolution ng walang pahintulot ni Pangulong Marcos, kasalukuyang   Agriculture secretary at  chairperson ng SRB.

Ang mga signatories ng kontrobersiyal na kautusan ay sina Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, board member Atty. Roland Beltran, at Sugar Regulatory Administration administrator Hermenegildo Serafica, pawang mga nagbitiw sa puwesto. Kris Jose