Malakanyang, kumbinsidong magsasalita ang gobyernong Tsinoy ukol sa barter o palitan ng kalakal ng mga mangingisdang pinoy at Chinese Coast Guard

Malakanyang, kumbinsidong magsasalita ang gobyernong Tsinoy ukol sa barter o palitan ng kalakal ng mga mangingisdang pinoy at Chinese Coast Guard

June 19, 2018 @ 5:53 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kumbinsido ang Malakanyang na magsasalita sa publiko ang Chinese government hinggil sa magiging kasagutan nito sa nangyaring hindi pagkakaunawaan ng mga Filipino fisherman at Chinese Coast Guard sa Scarborough Shoal hinggil sa umanoy di patas na ‘barter’ o palitan ng kalakal.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, kahit na sabihing barter at hindi pangongotong ang nangyari sa pagitan ng dalawang panig ay kinakailangan pa ring mapagkasunduan ang halaga o dami ng partehan.

Hindi pa rin kasi aniya katanggap-tanggap na mga Tsinoy lamang ang nagdidikta kung gaano karami ang ibibigay sa kanilang isda na nahuli ng mga Filipino fisherman.

Sa kabilang dako, tuloy naman ang protesta ng Philippine government sa China hanggat hindi na nagkakasundo ang dalawang panig.

Kapag isa lang kasi aniya ang nasusunod, malinaw na hindi patas ang nangyayaring barter at hindi nasusunod ang will ng parehong partido.

Nauna nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang harassment o pangongotong na nangyari sa Scarborough shoal dahil isa lamang itong uri ng barter o palitan ng kalakal. (Kris Jose)