Malakanyang, mahigpit na naka-monitor sa pagsabog ng bulkang Bulusan

Malakanyang, mahigpit na naka-monitor sa pagsabog ng bulkang Bulusan

June 5, 2022 @ 3:15 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Mahigpit na naka-monitor ang Malakanyang sa kondisyon ng bulkang Bulusan matapos ang phreatic eruption na nangyari kaninang umaga, Hunyo 5, 2022.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar, naka-standby 24/7 ang lahat ng concerned agencies matapos itaas sa Alert Level 1 ang situwasyon doon.

Kaya ang paalala ng Malakanyang sa publiko partikular na sa mga residente na nakatira sa paligid ng bulkan, maging bigilante, i-monitor ang anumang kaganapan kaugnay sa kondisyon ng bulkan at makipag-ugnayan sa lokal na awtoridad.

Nauna rito, inanunsyo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong Linggo ang pagkakaroon ng phreatic eruption sa Bulusan Volcano sa Sorsogon.

“This is to notify the public and concerned authorities of an ongoing phreatic eruption at Bulusan Volcano,” saad sa tweet ng seismic bureau.

Ang phreatic eruption ay isang “steam-driven explosions that occur when water beneath the ground or on the surface is directly heated by hot rocks or new volcanic deposits or indirectly by magma or magmatic gas,” anang paliwanag ng Phivolcs.

Sinabi naman ni National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Mark Timbal na mayroong naiulat na insidente ng ash fall sa Brgy Cogon sa Irosin.

“Ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Irosin ay naghahanda ng mga evacuation centers,” pagsisiguro pa niya.

Sinabi ng NDRRMC na nakikipag-ugnayan sila sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council of Bicol hinggil sa pagputok ng bulkan. Kris Jose