Malakanyang, muling nanawagan sa PhilHealth: Utang sa mga ospital, bayaran

Malakanyang, muling nanawagan sa PhilHealth: Utang sa mga ospital, bayaran

December 15, 2021 @ 9:35 AM 9 months ago


MANILA, Philippines – Muling nanawagan ang Malakanyang sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na ayusin na ang mga unpaid claims matapos ianunsyo ng pitong private hospitals sa Iloilo na pinuputol na nito ang kanilang ugnayan sa state insurer dahil sa unpaid claims na nagkakahalaga ng mahigit P545 million.

“Pangulong Duterte has already issued a directive in previous Cabinet meeting namin na to pay the hospitals immediately, bayaran ang mga ospital ,”ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ani Nograles, ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay matapos na ianunsyo ng PhilHealth na magpapalabas ito ng debit-credit payment method (DCPM), kung saan pinapayagan ang ospital na makatanggap ng 60% ng kanilang reimbursement claims kahit hindi pa tapos ang PhilHealth sa oag-proseso ng kanilang processing documentary requirements.

“So because of that directive, nagkaroon nitong debit-credit-payment method which, again, nag-two waves na nga . And then now, PhilHealth is already preparing everything to do the third wave,” dagdag na pahayag ni Nograles.

Hinikayat naman ni Nograles ang mga private hospitals na mag-avail ng PhilHealth’s new payment scheme para mapabilis ang disbursement ng unpaid claims ng mga ospital.

“And sabi ng (According to) PhilHealth, using this debit-credit payment method or DCPM – they have actually had two waves of this already – again to accelerate and facilitate the payment of the hospitals and they are set to release a third wave of DCPM,” aniya pa rin.

“The first phase of the DCPM method covers claims lodged from March 8, 2020 to April 7, 2021.On the other hand, the second phase covered claims filed from April 8 to Aug. 9, 2021,” ayon pa rin kay Nograles.

“So ang panawagan ng PhilHealth sa mga hospitals ay to cooperate with their DCPM method so that mas mabilis bayaran,” anito. Kris Jose