Malakanyang, nagalak at nagpasalamat sa sambayanang Pilipino sa pagkilala sa giyera laban sa iligal na droga ng gobyernong Duterte

Malakanyang, nagalak at nagpasalamat sa sambayanang Pilipino sa pagkilala sa giyera laban sa iligal na droga ng gobyernong Duterte

July 24, 2018 @ 1:16 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nagagalak at nagpaabot ng pasasalamat ang Malakanyang sa sambayanang Pilipino sa pagkilala ng mga ito sa naging achievements ng Duterte administration  pagdating sa giyera laban sa iligal na droga.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, sang-ayon  sa Pulse Asia ay 69% ng  mga Pilipino ang nagsabi na ang laban sa iligal na droga ay isa sa pinakaimportanteng ‘accomplishment’ ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sumunod aniya rito ang paglaban sa kriminalidad kung saan ay nakakuha ng 50%, umento sa sahod para sa mga pulis at sundalo, pakikipaglaban sa graft and corruption at libreng tuition sa public universities at colleges at mas maraming trabaho.

“So, maraming Salamat po sa patuloy na pagtitiwala,” ayon kay Sec. Roque.

Sa ulat, naniniwala ang mayorya ng Pinoy na ang pagsugpo sa iligal na droga ang pinakamahalagang naging tagumpay ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay ito sa pinaka-huling datos ng Pulse Asia survey na isinagawa mula June 15 hanggang 21.

Lumalabas na 7 mula sa 10 Pilipino o katumbas ay 69% ang nagsasabi na maituturing na top accomplishment ng administrasyon ang kampanya kontra ilegal na droga.

Pumangalawa naman ang laban kontra kriminalidad na nakakuha ng 50% at pagtaas sa sahod ng mga sundalo at pulis na mayroon namang 30%.

Samantala, nasa 28% lamang ang nagkokonsidera sa laban kontra graft at korupsyon na isa sa mga naging pangako ng pangulo noong nangangampanya pa lamang ito. Kris Jose