Malakanyang, nagbigay ng makahulugang “best of luck” kay Pacquiao sa laban nito sa Agosto

Malakanyang, nagbigay ng makahulugang “best of luck” kay Pacquiao sa laban nito sa Agosto

July 6, 2021 @ 1:04 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Makahulugan ang pagbibigay ‘goodluck” ng Malakanyang sa ginagawang pag-eensayo ngayon ng Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao sa nakatakdang laban nito kay WBC at IBF world welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto.

“Of course, we wish all filipinos the best of luck in whatever they do best. and pagdating po kay Manny Pacquiao ” his best in the boxing ring and probably not as good elsewhere,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Hindi man tinukoy at dinetalye ni Sec. Roque ang “pa-goodluck” na ito ng Malakanyang subalit kung aanalisahin ay nagbigay ng “best of luck” ang Malakanyang kay Pacquiao sa boxing ring at hindi sa ibang bagay lalo na sa politika.

Sa ulat, kasalukuyan ngayong nasa Los Angeles ang Team Pacquiao para sa nakatakdang laban nito kay Spence Jr., na gaganapin sa Las Vegas sa August 21.

Kamakalawa pa sana ang arrival ni Manny Pacquiao sa L.A. pero napilitang bumalik sa Pilipinas ang sinasakyan niyang eroplano dahil sa medical emergency ng kapwa niya pasahero.

Ayon naman kay coach Buboy Fernandez, napili nilang lumipad nang mas maaga sa L.A. para doon mag-ensayo dahil na rin sa maluwag na COVID-19 restrictions sa Amerika.

Samantala, sasabak bilang undercard sa Pacquiao-Spence bout ang Filipino boxer na si Mark Magsayo kontra Julio Ceja ng Mexico. Kris Jose