Malakanyang nagpasalamat sa Kongreso sa pagpasa ng 2021 nat’l budget

Malakanyang nagpasalamat sa Kongreso sa pagpasa ng 2021 nat’l budget

October 17, 2020 @ 2:55 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinasalamatan ng Malakanyang ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa ng House Bill No. 7727 o ang General Appropriations Bill (GAB) naglalaman ng 2021 proposed national budget sa tamang oras o sa loob ng special session na ipinatawag ni  Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na palaging binibigkas ni Pangulong Duterte  ang kahalagahan ng tamang oras ng pagpapasa sa national budget, lalo pa’t nasa gitna ng COVID-19 pandemic ang bansa kung saan ay nangangailangan ng  resources para pondohan ang ginagawang pamamagitan ng pamahalaan  para mapagaan ang matinding epekto ng virus.

Sa kabilang dako, umaasa naman ang Malakanyang na  ipadadala sa lalong madaling panahon ng Kongreso  ang printed o  soft copy sa Senado upang sa gayon ay mabigyan ng sapat na oras ang mga senador na aksyunan ang  nasabing legislative measure, na sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte.

Kaugnay nito ay pinuri naman ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ilalim ng liderato ni House Speaker Lord Allan Jay Velasco makaraang aprubahan

“As the 2021 GAB progresses to the Senate for its deliberation, the House of Representatives’ approval of the bill will go a long way in helping support and realize the Duterte administration’s outlined undertakings, responses, and programs for our collective recovery from the adverse impacts of COVID-19,” ayon kay PCOO Sec. Martin Andanar.

Umaasa  naman ang PCOO na magiging mabilis at maayos ang deliberasyon ng Senado  sa  2021 GAB  para matupad ang  mandato ng pamahalaan sa mga Filipino at ang layunin na  “healing, rebounding, and recovering as one nation.”

Sa ulat, sa botong 257 affirmative at 6 negative votes tuluyan nang inaprubahan ng mga mambababatas ang naturang panukala sa huling araw ng special session ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Agad pinagbotohan ang budget bill ilang minuto lang matapos itong makapasa sa 2nd reading.

Samantala bumuo naman ang Kamara na isang komite para tumanggap at iresolve ang individual amendments sa proposed budget ng hangang October 19.

Ang P4.506 trillion na budget para susunod na taon ay mas mataas ng 9.9 percent kumpara sa 2020 budget at 21.8 percent ng gross domestic product (GDP). Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...