Malakanyang nakatutok pa rin sa vaccination effort vs COVID-19

Malakanyang nakatutok pa rin sa vaccination effort vs COVID-19

November 10, 2022 @ 5:23 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang kampanya ng pamahalaan sa pagbabakuna laban sa COVID 19.

Ito ang sinabi ni Office of the Press Secretary Atty Cheloy Garafil sa gitna ng report na nasa 94.21% na ng target population sa buong bansa ang fully vaccinated.

Ang datos anito ay kumakatawan sa may 73,582,128 na mga Filipino na pawang bakunado na laban sa COVID-19.

Winika pa ni Garafil na nagpapatuloy pa rin at hindi aniya humihinto ang Department of Health (DoH) sa kampanya nito para sa pagbabakuna gayung hindi naman aniya nagtatapos sa primary doses ang vaccination effort ng pamahalaan.

Nandiyan pa rin aniya kasi ang pangangailangan na makatanggap ng booster dose ang marami kaya’t wala aniyang sawa ang DoH sa pagpapaalala hinggil sa kahalagahan ng bakuna kabilang na ang makatanggap ng booster shot.

Sa kabilang dako, sinabi ng mga eksperto na importante ang booster doses lalo na sa mga vulnerable sector gaya ng mga matatanda at mga may commorbidities. Kris Jose