Malakanyang, nakiisa sa buong mundo sa pagdarasal ng kapayapaan sa Ukraine
March 2, 2022 @ 2:40 PM
4 months ago
Views:
270
Remate Online2022-03-02T14:28:43+08:00
MANILA, Philippines – Nakikiisa ang Malakanyang sa bansa at sa buong mundo para sa pagdarasal para sa mas maaga at mapayapang resolusyon sa girian sa Ukraine.
“We reiterate the position of the Philippines that war benefits no one, and that it exacts a tragic, bloody toll on the lives of innocent men, women, and children in the areas of conflict,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Ang girian aniya sa Ukraine ay mayroong “economic, trade, and human resource implications” para sa bansa at sa sambayanang filipino.
Habang naka-monitor aniya ang gobyerno ng Pilipinas sa kasalukuyang situwasyon, ang bawat filipino ay may karapatan na malaman kung ano ang ginagawa ng pamahalaan na paghahanda sa kahit na anumang kaganapan.
“President Rodrigo Roa Duterte has given assurances that mitigating measures and contingency plans will be in place as part of the governmentâs pro-active response to the conflict in Ukraine,” ang pahayagni Nograles.
Nauna rito, pinulong ni Pangulong Duterte, kahapon, Marso 1,
ang ilang miyembro ng kanyang gabinete kasama ang mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), at iba pang high-ranking officials, para pag-usapan ang posibleng senaryo kapag nagpatuloy at umigting ang Russia-Ukraine conflict.
Dahil dito, inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekumendasyon ng kanyang Economic Team na palakasin ang domestic economy, patatagin ang presyo ng mga pangunahing bilihin, magbigay ng social protection, at tuklasin ang diplomatic channels na makatutulong na maresolba ang nasabing hidwaan.
“As to food stability, the Chief Executive approved the recommendations of the Department of Agriculture (DA) to boost local food production. Kasama na rito ang pagpapataas ng produksyon ng pagkain sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Plant, Plant, Plant Part Two, pagpapataas ng rice buffer stock na hindi bababa sa tatlumpung araw, pamamahagi ng tulong pinansyal sa ating mga nagsasaka ng palay, at pagtugon sa tumataas na presyo ng abono o pataba, tulad ng pagbibigay ng fertilizer subsidy at market access through bilateral discussions sa fertilizer-producing countries,” litaniya ni Nograles.
Bukod dito, inaprubahan din aniya ng Pangulo ang rekomendasyon ng DA hinggil sa pamamahagi ng fuel discount vouchers sa mga magsasaka at mga mangingisda bilang tugon sa tumataas na presyo ng langis, ang pagpapalago ng produksyon at pagpapaigting ng pananaliksik upang ibsan ang presyo ng feeds, at pagbibigay ng logistical support gaya ng food mobilization mula sa mga lalawigang mataas ang produksyon papunta sa mga syudad sa pamamagitan ng Kadiwa ni Ani at Kita, pag-deploy ng Kadiwa mobile vans/trucks at subsidiya sa transportation cost ng mga pangunahing bilihin.
Kung kinakailangan aniya ay nakahanda ang pamahalaan na isakatuparan ang implementasyon ng Price Control Law.
“We shall likewise continue talks with our partners and heighten negotiations with non-traditional partners to address threats to agricultural exports while improving our digital agricultural infrastructure and systems,” ani Nograles.
Ukol naman sa suplay ng langis, inaprubahan ng Chief Executive ang reklumendasyon ng Department of Energy (DOE) na ipatupad ang P2.5-B Pantawid Pasada, at P500-M fuel discount program para sa mga magsasaka at mangingisda.
Itutuloy din ng DOE ang pagmo-monitor ng kasapatan o kahustuhan ng suplay at kalidad at tiyakin na walang magaganap na short selling.
Para naman sa medium-term, nanawagan ang Malakanyang sa Kongreso na rebisahing mabuti ang Oil Deregulation Law, partikular na ang probisyon ukol sa unbundling o paghimay ng presyuhan ng produktong petrolyo at ang pagkakasama ng minimum inventory requirements sa batas, at maging ang bigyan ang gobyerno ng intervention powers/authority na makialam kapag mayroong pagtaas o pinahabang pagtaas ng presyo ng langis.
“Also, part of our medium-term measures are building of the strategic petroleum reserve infrastructure, ensuring Minimum Inventory Requirements (MIR) and advocating for energy conservation and efficiency,” ayon kay Nograles.
Sa kabilang dako, inaprubahan din naman ng Punong Ehekutibo ang rekumendasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na i- accelerate ang renewable energy adoption, suportahan ang investments sa Utility Scale Battery Storage para ma- maximize ang utilization ng renewable energy sources, suportahan ang investments sa modern storage facilities sa langis at butil para tumaas sa loob ng tinatawag na border holding capacity at bigyang kapangyarihan ang private sector na tumulong sa strategic stockpiling.
Samantala, kapuwa naman nagbigay ng kasiguraduhan ang AFP at PNP na ang tropa ng Pilpinas at military at police assets ay nakahanda na at mayroon ang mga ito ng kani-kanilang inihandang contingencies bilang paghahanda sa anumanmg kagapanan.
“In conclusion, we appeal for an immediate end to the unnecessary loss of life, and call on the states involved to forge an accord that can help prevent a conflagration that could engulf a world still struggling to recover from the COVID-19 pandemic,” ayon kay Nograles.
“The course of history and the fate of our world will be shaped by the decisions that will be made by its leaders. We are one in prayer, together with all peace-loving citizens, that they be guided by wisdom and a genuine desire to save lives, establish harmony among neighboring nations, and forge a just and lasting peace for humanity,” dagdag na pahayag ni Nograles. Kris Jose
July 2, 2022 @5:00 PM
Views:
41
MANILA, Philippines- Magsasagawa ng dayalogo ang mga grupo ng manggagawa at si Secretary Bienvenido Laguesma ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga darating na araw upang pag-usapan ang kanilang mga alalahanin.
Noong Biyernes, natanggap niya ang watawat ng DOLE at ang Labor and Employment Plan 2022-2028 mula sa kanyang hinalinhan, si Silvestre Bello III, sa Labor Governance and Learning Center ng Blas F. Ople Hall ng departamento sa Intramuros, Manila.
Nakipagpulong din si Laguesma sa iba pang opisyal sa kanyang unang araw sa opisina at nakipag-ugnayan sa mga empleyadong kanyang tinalakay ang mga isyu gaya ng pagtaas ng sahod at seguridad sa trabaho.
Si Bello ay pamumunuan ang Manila Economic and Cultural Office sa Taiwan.
Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong pinuno ng DOLE na ituloy ang higit pang mga programa para sa sektor ng paggawa at ipagpatuloy ang pagpapatupad ng mga ginawa sa ilalim ng termino ni Bello.
Sinabi ni Bello na nasa mabuting kamay ang DOLE sa ilalim ni Laguesma, na naging kalihim din ng DOLE noong 1998 hanggang 2001 sa ilalim ng administrasyong Estrada at nagsimula ng kanyang karera sa serbisyo publiko bilang mediator-arbiter sa dating Department of Labor noong 1976.
âYour fresh mandate to steer the DOLE once more signifies the continuity of the noble initiatives that we have undertaken for the Filipino workers and the people,â ayon kay Bello. Jocelyn Tabangcura-Domenden
July 2, 2022 @4:53 PM
Views:
49
SEOUL, South Korea – Achievement agad ang nakuha ng self-titled solo debut mini-album ng TWICE member na si NAYEON.
Ito ay makaraang makapagtala ng 4th highest sa 1st week album sales ng Kpop female soloists ang kanyang album na ‘IM NAYEON.’
As of June 24, lampas 250,000 na kopya na ang naibenta sa unang linggo mula nang ito ay ilabas at maituturing na highest-selling album ng Kpop female soloist ngayong 2022.
Nakahilera na rin ang ‘IM NAYEON’ sa fourth best-selling album ng Kpop female soloist of all times kasama nina BLACKPINK Lisa, BLACKPINK Rose at IU. RNT/JGC
July 2, 2022 @4:45 PM
Views:
49
MANILA, Philippines- Tinitingnan ng National COVID-19 Vaccination Operations Center (NVOC) na isama ang bagong COVID-19 vaccines sa routine immunization sa ibang sakit.
Sinabi ng Department of Health (DOH), ilan lamang Ito sa mga estratehiya ng NVOC sa ilalim ng liderato ni DOH spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire para palakasin ang vaccine uptake sa bansa.
Sa panahon ng transition period, ang NVOC at vaccination sites ay nagpapatuloy ng kanilang kasalukuyang operasyon sa pagbibigay ng bakuna at boosters sa eligible population.
â[The] NVOC is also reviewing existing policies to identify possible points for revision, one of which is the integration of COVID-19 vaccines to routine immunization,â ayon sa Health Department.
Samantala, sinabi ng DOH na nagsasagawa ito ng granular at localized analyses sa mga lugar na may mababang vaccine uptakes.
âFurther, DOH and NVOC are currently focusing efforts to ramp-up the rollout of vaccines for our current priority groups through granular and localized analysis of areas with low vaccine coverage of 1st boosters and high numbers of unvaccinated. This is to ensure that strategies implemented to increase coverage are tailor fitted to best suit a given area or region,â ayon sa ahensiya.
Kamakailan ay inanunsyo ng National Task Force against COVID-19 (NTF) na nakamit na ng bansa ang target nitong gawing fully vaccinated ang 70 milyong Filipino laban sa COVID-19. Kris Jose
July 2, 2022 @4:30 PM
Views:
48
MANILA, Philippines- Nais ni Pangulong Ferdinand âBongbongâ Marcos Jr. na linisin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang listahan ng mga benepisaryo ng “targeted social assistance programs” ng departamento.
Gusto ng Pangulo na alisin na ng DSWD ang mga benepisaryong hindi na kuwalipikadong makatanggap ng cash grants mula sa pamahalaan.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, ilang benepisaryo ang gumradweyt (graduate) na mula sa conditional cash transfer program (CCT) – o mas kilala bilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program or 4Ps partikular na iyong ang mga anak ay nakapagtapos na ng kanilang pag-aaral subalit nananatiling tumatanggi na isuko ang kanilang accounts at patuloy na nakatatanggap ng cash grants.
ââYan ang utos sa akin ng Pangulong Marcos na linisin ang listahan ng DSWD ng mga tumatanggap ng benepisyo,â ayon kay Tulfo.
Binigyang diin ni Tulfo na ilang daang libong Filipino sa buong bansa ang naghihintay na mapasama sa 4Ps na makikinabang mula sa plano na linisin ang cash transfer program list.
Kilala ng DSWD ang mga benepisaryo ng 4Ps at iba pang social assistance programs sa pamamagitan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction o Listahanan nito.
Upang maipatupad ang kautusan ni Pangulong Marcos, sinabi ni Tulfo naâwithin the next few weeksâ ay magpapalabas siya ng âamnestyâ na nananawagan sa mga unqualified 4Ps beneficiaries na isuko na ang kanilang accounts sa DSWD sa loob ng 30 hanggang 60 araw o sasampahan ng kaso.
âKasi parang estafa, âyan kasi niloloko mo ang gobyerno,â ayon kay Tulfo.,
Maliban dito, sinabi pa ni Tulfo na plano rin niyang ipatupad ang reward system kung saan ang informer ay makatatanggap ng pabuya kung maituturo nito kung sino sa kailang komunidad ang ang dapat na alisin na mula sa 4Ps list. Kris Jose
July 2, 2022 @4:15 PM
Views:
46
MANILA, Philippines- Nakakalap si former vice president Leni Robredo sa ilalim ng kanyang non-governmental organization âAngat Buhay,â ng mahigit P1 milyon sa unang araw nito, kahapon.
Inanunsyo ito ni Robredo sa isangFacebook post nitong Biyernes ng gabi, kasunod ng paglunsad sa NGO sa Volunteer Center sa Katipunan Ave. sa Quezon City.
Nagpasalamat din siya sa mga nag-donate, kung saan umabot sa P1,068,470 ang nakalap na pondo para sa Angat Buhay Foundation.
Kabilang asa apat na advocacy areas ng Angat Buhay ang food security and health, education, disaster relief and rehabilitation, at community engagement.
âUnang araw pa lang, higit isang milyon na agad ang nalikom natin para sa mga artworks at donations. Maraming, maraming salamat po,â pahayag ni Robredo, chairperson ng Angat Buhay NGO.
Aniya pa, masaya siya na makita ang volunteers at private partners dahil para umano itong isang âreunion.â
âHindi dapat masayang âyung magandang nasimulan natin. Hindi man tayo nagwagi, nagtagumpay pa rin tayo. I am sure lahat kayo will agree with us we really started something very, very special during the campaign, at hindi pwede mapupunta sa wala âyung ating nasimulan,â dagdag ng datimg bise presidente. RNT/SA