Malakanyang natuwa sa ibinasurang petisyon vs mandatory vax sa on-site workers

Malakanyang natuwa sa ibinasurang petisyon vs mandatory vax sa on-site workers

February 9, 2022 @ 9:48 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Ikinatuwa ng Malakanyang ang naging desisyon ng Manila Regional Trial Court (MRTC) na ibasura ang petisyon laban sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na may kaugnayan sa pagpapatupad sa mandatory vaccination laban sa COVID-19 para sa onsite workers.

“We welcome the decision of the Manila Regional Trial Court (RTC) Brach 41 dismissing the petition against the Inter-Agency Task Force or IATF in connection with unvaccinated onsite workers and those vaccinated against Covid-19,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Binigyang diin ni Nograles ang pangangailangan na tiyakin na ligtas at malusog ang bawat filipino.

“Nais natin lahat ang isang ligtas at malusog na kapaligiran at pamumuhay ,” dagdag na pahayag nito.

Matatandaan na kinu-kwestsyon ng petitioner ang mandatory vaccination para sa mga kawani na pisikal na pumapasok sa kanilang opisina.

Nakasaad rin sa IATF Resolution na ang mga empleyado na tatangging magpabakuna ay kailangang sumailalim sa regular na RT-PCR test.

“Nais natin lahat ang isang ligtas at malusog na kapaligiran at pamumuhay. Kung inyong matatandaan, nauna nang naglabas ng resolusyon ang IATF kung saan nakasaad na ang mga unvaccinated onsite workers and employees ay kailangan sumailalim sa regular RT-PCR testing.” ayon kay Secretary Nograles.

At hindi maaaring maging ground ng kanilang terminasyon sa trabaho ang kanilang vaccination status.

Samantala, hinggil naman sa pediatric vaccination, nilinaw ng kalihim na kailangan pa rin ng parental consent bago mabakunahan ng COVID-19 vaccine ang mga menor de edad.

“Kailangan po ng consent ng magulang o guardian bago mabakunahan ang ating mga anak. Kaugnay nito, lilinawin lang natin ang balita kung saan sinabi na government may give consent to a child willing to be vaccinated against COVID-19.” aniya pa rin.

Sinabi ni Nograles, tinanggal na ang probisyon na nagsasaad na ang pamahalaan ay maaaring magbigay ng consent sa mga 5-11 years old na willing magpabakuna laban sa COVID-19.

“Nais po nating ipaalam sa publiko na ang nasabing probisyon sa polisiya ng pagbabakuna ay tinanggal na po. This provision has been rescinded and will no longer apply to the vaccination of minors 5 to 11 years of age.” aniya pa rin. Kris Jose