Malakanyang nauna nang batiin si PRRD sa kanyang kaarawan

Malakanyang nauna nang batiin si PRRD sa kanyang kaarawan

March 27, 2022 @ 3:40 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nakiisa ang Malakanyang sa taumbayan sa pagbati kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdiriwang ng kanyang ika-77 kaarawan, bukas, Marso 28.

Nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Secretary Martin M. Andanar kay Pangulong Duterte dahil nagsilbing inspirasyon sa mga opisyal ng pamahalaan ang “strong and decisive leadership” at “genuine compassion” nito sa bawat filipino.

Nagresulta rin aniya ito ng positibo at makahulugang pagbabago sa buhay ng nakararaming mamamayang filipino.

Sa kaibilang dako, sinabi ni Andanar na ipagdiriwang ng Pangulo ang kanyang kaarawan ng “simple at tahimik” sa Davao City, alinsunod sa tradisyon ng pamilya nito.

Ang “birthday wish” aniya ng Pangulo para sa taong ito ay magkaroon ng malinis, patas at tapat na halalan sa May 2022.

“As he has time and again underscored the importance of a peaceful transfer of power as part of his enduring legacy,” ayon kay Andanar.

Kaya nga ang dalangin aniya niya sa Maykapal (Diyos) ay patuloy na bigyan ng “good physical and mental health” sa mga darating na taon ang Pangulo upang sa gayon aniya ay “he may carry on serving the interest of and bringing betterment to the lives of Filipinos.” Kris Jose