Malakanyang: Panukalang palawakin ang mandato ng PCGG, ‘di pa napag-uusapan

Malakanyang: Panukalang palawakin ang mandato ng PCGG, ‘di pa napag-uusapan

August 1, 2022 @ 2:24 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Hindi pa napag-uusapan sa Ehekutibong sangay ng pamahalaan ang panukalang mas palawakin pa ang mandato ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Ito ang naging pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles sa gitna ng sinasabing panukala ni Justice Secretary Boying Remulla na huwag lang sanang masentro ang direksiyon ng ahensiya sa pagrekober sa mga umanoy ill gotten wealth.

Aniya, sa kasalukuyan ay walang ganitong polisiya.

Sinabi pa ni Cruz-Angeles na dahil ang panukala ay nagmula mismo kay Sec. Remulla, mas makabubuti na ito na ang gumawa ng inisyatibo para mabuksan ang subject matter.

Batay sa inilatag na suhestiyon ng Kalihim, isasama na sa magiging trabaho ng PCGG ang pagkumpiska sa mga kontrabando, kumpiskahin ang properties at assets ng mga non-payment tax payers, mga sangkot sa drug trafficking, korupisyon at iba pang krimen. Kris Jose