Malakanyang, pinabulaanan ang pagpapaliban ng eleksyon sa 2019

Malakanyang, pinabulaanan ang pagpapaliban ng eleksyon sa 2019

July 19, 2018 @ 4:50 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Pinabulaanan ng Malakanyang ang panukalang pagpapaliban sa eleksyon sa susunod na taon para hayaan ang Kongreso na madaliin  ang Charter-Change.

Aniya, naniniwala ang Pangulo sa demokrasya  at mas nanaisin nito na maging synchronize ang referendum ng panukalang federal charter sa May 2019 elections.

“Talagang hindi po siya payag sa no-el [election] para lamang sa Charter change. We would like to inform the people, ‘yan po ang posisyon ng Presidente. ‘I will not have any hand in no-el,'” ayon kay Sec.Roque.

Sa kabilang dako, tanggap naman ni Sec. Roque ang people’s initiative.

“Siguro ‘yan ang sagot din ng liderato ng Kamara doon sa posisyon ni Presidente na he will not have any hand in it. Kapag people’s initiative na ‘yan ano pa magagawa mo kung nanggaling na ‘yan sa taumbayan,” aniya pa rin.

Tiniyak ni aniya ni Pangulong Duterte na hindi niya pakikialaman ang isinisulong na no election scenario sa kongreso.

Malinaw  aniya ang mensahe ng Pangulo sa mga lider ng Kongreso at Senado na ayaw niyang ipagpaliban ang eleksyon para lamang bigyang-daan ang charter change.

Sinabi pa ni Roque, na nais ng pangulo na sundin ang isinasaad sa Saligang Batas gaya halimbawa ng pagdaraos ng midterm elections sa 2019.

Iginiit ng Malacañang na walang kinalaman at hindi manghihimasok si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga isinusulong na panukalang kanselahin ang 2019 midterm elections.

Layunin sana ng no-election o no-el ay mapabilis ang proseso sa pagpapapalit ng konstitusyon.

Una nang ipinapanukala ni House Speaker Pantaleon Alvarez na kanselahin ang 2019 elections para matutukan ang pag-amyenda ng konstitusyon tungo sa federal form of government. (Kris Jose)