Malakanyang pumalag sa mga naliitan sa P1K ECQ aid

Malakanyang pumalag sa mga naliitan sa P1K ECQ aid

April 8, 2021 @ 10:00 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Tila ipinamukha ni Presidential spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ng administrasyon Duterte na hindi lang naman panahon ng ECQ naglalabas ng tulong ang gobyerno sa mga pamilyang patuloy na naaapektuhan ng pandemya.

Ito ang pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna ng mga nagsasabing hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance sa bawat indibidwal o apat na libong piso para sa bawat pamilyang Pilipino na nasa ilalim ng ECQ.

Aniya, nandyan naman ang DSWD na patuloy na nagpapatupad ng regular social welfare services nito kagaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Sinabi pa ni Sec. Roque na tumutugon din ito sa pangangailangan ng mga mahihirap na filipino gaya ng medical, burial, transportation assistance at iba pa.

Bukod dito, mayroon din aniya na resource augmentation mula naman sa LGUpara sa mga family food packs habang naririyan din ang 4Ps.

“Sa mga nagsasabi na hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance bawat indibidwal or 4,000 pesos bawat pamilyang Pilipino, patuloy ang DSWD na nag-i-implement po ng mga regular social welfare services nito kagaya ng AICS, iyong Assistance to Individuals in Crisis Situation, para tumugon sa iba pa pong mga pangangailangan ng mga kababayan nating mahihirap gaya ng medical, burial, transportation assistance at iba pa,” ayon kay Sec. Roque.

“Gayun din ang resource augmentation nito sa LGUs para sa mga family food packs upang tumulong sa LGUs na tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.  Mayroon din tayong 4Ps beneficiaries,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose


  •  
  •  
  •