Malakanyang sa magdaraos ng street party sa Kapaskuhan: Makipag-ugnayan sa LGUs

Malakanyang sa magdaraos ng street party sa Kapaskuhan: Makipag-ugnayan sa LGUs

December 10, 2021 @ 5:51 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Pinaalalahanan na ng Malakanyang ang publiko lalo na iyong mga nagpa-plano na magsagawa ng street party ngayong Kapaskuhan na kailangan muna nilang makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.

 “Number one, makipag-ugnayan po muna sa LGU, okay. So huwag ninyong isipin na, ‘Okay, puwede ito, puwede,’ hindi, hindi po. Makipag-ugnayan muna sa LGU because there will be some LGUs that will have requirements,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles. 

“So, huwag itong i-generalize na, ‘Okay, sige, puwede na,’ ‘di ba? LGU po, number one, go to your LGU. Makipag-ugnayan kayo sa LGU ninyo before you plan anything tulad na lang ng mga party-party na street party or what. You go to your LGU muna,” dagdag na pahayag nito.

Para naman kay DOH Director Dr. Beverly Ho, maaari namang magdaos ng street party ngayong Kapaskuhan lalo pa’t alam naman ng lahat na kapag street party ay open air at well-ventilated.

“Pero mahalaga rin po na alam natin iyong bilang ng tao ‘no na kaya lang i-accommodate sa lugar na iyon. And for that, mayroon naman tayong kung outdoor area siya at nasa Level 2 tayo, 70% ‘no. So as long as kaya ng ating local authorities or ng organizers to make sure that that happens, na ma-enforce iyong mga guidelines na iyon, puwede ‘no. Pero kung wala tayong kapasidad to enforce those guidelines, sabi nga ni CabSec ‘no, we have to be equally accountable, then hindi po natin dapat pag-isipan pa ‘no any of these parties,” dagdag na pahayag ni Dr. Ho.

Samantala, ayos lang sa DOH ang pangangaroling sa bahay-bahay na bahagi ng kultura at nakasanayan ng mga Pilipino bago sumapit ang Kapaskuhan.

Subalit, iginiit ni Dr. Ho na kailangan na ang mangangaroling ay bakunado, bukod pa sa kailangan na nakasuot ng face mask.

“‘Di ba, kasi may chance pa rin po tayong makapag-spread ‘no. So, as long as ginagawa naman iyon at may distancing, yes, okay lang po sa atin ‘no,” aniya pa rin. Kris Jose