Malakanyang sa mga nakararanas ng depresyon: Humingi agad ng tulong

Malakanyang sa mga nakararanas ng depresyon: Humingi agad ng tulong

September 11, 2022 @ 9:30 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Agad na humingi ng tulong ang isang taong nakararanas na ng depresyon.

Ito ang payo at naging panawagan ng Office of the Press Secretary (OPS) sa kanilang Facebook post, araw ng Sabado bilang bahagi ng paggunita  sa World Suicide Prevention Day.

“Hindi ka nag-iisa. Mayroong handang tumulong at makinig sa ’yo,” ang payo ng  the OPS para sa mga taong nakararanas ng depresyon at nag-iisip ng magpakamatay.

Ayon sa  OPS ang mga taong may  mental health problems o may peligrong  mag-commit ng suicide ay maaaring tumawag sa National Center for Mental Health toll-free crisis hotline 1553; mobile numbers 0917-8998726, 0966-3514518, at 0908-6392672; o (02)7989-8727, available 24/7.

Ang https://bit.ly/PA5HealthyPilipinas ng Department of Health (DoH) ay mayroong impormasyon at tips na makatutulong para sa  mental health wellness.

Ang payo ng OPS sa isang taong nakararanas ng depresyon ay  “rest, relax, and take a break to relieve stress and anxiety; taking up hobbies and activities; having a good support group; being a good source of support; tracking mood and triggers; and knowing who to seek help from and when.”

“We all can reach in and ask somebody. Small talk can save lives and create a sense of connection and hope in somebody who may be struggling,”  ang naka-post naman sa Facebook page ng DoH.

“Creating Hope through Action”  ang  triennial theme para sa World Suicide Prevention Day mula  2021 hanggang 2023.

Ayon sa World Health Organization (WHO) ang nasabing tema ay paalala na mayroong alternatibong paraan para  labanan ang depresyon at  naglalayon na itaas ang kumpiyansa sa sarili.

Makikita sa data ng WHO na   may 703,000 katao sa buong mundo ang nagpapakamatay kada taon.

“Suicide occurs throughout the lifespan and was the fourth leading cause of death among 15- to 29-year-olds globally in 2019. Suicide does not just occur in high-income countries, but is a global phenomenon in all regions of the world. In fact, over 77 percent of global suicides occurred in low- and middle-income countries in 2019,” ayon sa WHO sa kanilang  June 2021 report.

Sa Pilipinas, mayroon namang kagyat na pagtaas ng  suicide deaths noong 2020, o sa kasagasagan ng coronavirus disease 2019 pandemic.

Sa katunayan, base sa  data  na ipinalabas ng  Philippine Statistics Authority, ang pagkamatay ay bunsod ng  “intentional self-harm” na sumipa ng 3,529 noong 2020, tumaas ng 25.7% mula sa  2,808 na namatay  na naitala noong  2019. Kris Jose