Malakanyang sa publiko: Walang COVID-19 vax exemption cards

Malakanyang sa publiko: Walang COVID-19 vax exemption cards

January 21, 2022 @ 3:40 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Hindi magpapalabas ang pamahalaan ng COVID-19 vaccination exemption cards na naglalayong payagan ang mga hindi bakunadong indibidwal laban sa coronavirus na lumabas ng kanilang bahay sa gitna ng nagpapatuloy na surge ng kaso.

Ito ang inihayag ni acting Presidetial spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles habang ipinatutupad sa Kalakhang Maynila ang “No Vax, No Ride policy” na naglilimita sa paggamit ng public transportation para sa fully vaccinated individuals at iyong mga unvaccinated o partially vaccinated ay magkakaroon ng access sa essential goods at services.

Umapela si Nograles sa publiko na huwag i- entertain ang mga indibiduwal na pagala-gala at nag-aalok ng COVID-19 vaccination exemption cards.

Ang nasabing cards ay sinasabing naglalayong i-exempt ang mga unvaccinated na manatili sa kanilang bahay at payagan ang mga ito na sumakay sa mga public transportation.”

“Hindi po totoo. Wala pong ganoon. No document like this is being issued by government,” aniya pa rin.

“Maliban sa peke, hindi po ito nakakatulong sa ating laban kontra COVID-19,” dagdag na pahayag ni Nograles.

Kaya ang panawagan ni Nograles sa publiko ay kaagad na isumbong sa mga awtoridad ang kahit na sinumang indibiduwal na mag-aalok ng card sa kanila.

“Agad makipag-ugnayan sa mga otoridad sa inyong lugar at isuplong ang ganitong gawain. Pwede rin pong tumawag sa hotling 8888 para isumbong ang ipinagbabawal na gawaing ito,” ayon kay Nograles.

Sa halip na maghintay o maghanap ng exemption card, hinikayat ni Nograles ang unvaccinated population na magpabakuna, tiniyak niya sa mga ito na ang lahat ng bakuna na ituturok ay ligtas.

“Ito ang alok sa inyo ng inyong pamahalaan: Libreng bakuna laban COVID-19,” diing pahayag ni Nograles.

“Dito ka na sa totoo. Dito ka na sa ligtas, epektibo, at libreng bakuna anuman ang brand ng mga ito,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose