Malakanyang sa Senado: Execs sa ‘agri smuggling’ kasuhan

Malakanyang sa Senado: Execs sa ‘agri smuggling’ kasuhan

June 28, 2022 @ 4:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ng Malakanyang ang Senado na sampahan ng kaso sina Customs (BOC) Commissioner Rey Guerrero at 21 iba pang personalidad  na  binansagan bilang mga protektor  at smuggler ng agricultural products na nagkakahalaga ng daang milyong piso.

Ito’y matapos na magpalabas ang Senate Committee of the Whole  ng  63-page report  ng listahan ng mga personalidad kung saan kabilang ang mga opisyal ng  BOC, Department of Agriculture, at ilang Alkalde.

Ayon sa ulat, ang halaga ng smuggled agri-fishery commodities mula 2019 hanggang  2022 ay  sinasabing umabot na sa P667.5 million.

“We are one with the Senate in fighting corruption in the bureaucracy,” ayon kay acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar.

Ani Andanar, ang paghahain ng reklamo at kaso sa  Office of the Ombudsman ay magbibigay pagkakataon sa mga akusado na ipagtanggol ang kanilang sarili.

“File the necessary charges before the Office of the Ombudsman so officials and persons mentioned in the Senate report could be afforded due process, face their accusers, and have their day in court,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose