Malakanyang sa senior citizens: Magpabakuna vs COVID

Malakanyang sa senior citizens: Magpabakuna vs COVID

December 31, 2021 @ 4:12 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Umapela ang Malakanyang sa 1.5 milyong unvaccinated senior citizens na magpabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, maaaring malagay sa panganib ang bansa.

Ang apela na ito ni Nograles ay matapos na makapagtala ang bansa ng 6.6 porsyentong COVID-19 positivity rate at apat na kaso ng mas nakahahawang Omicron variant ng COVID-19.

“We have 210 million COVID-19 vaccine doses delivered [so far]. The numbers speak for themselves. Get the message: it is time to get your jabs. The 1.5 million seniors who are unvaccinated, kaya po nitong punuin ang ating mga ospital,” ayon kay Nograles.

“We cannot be complacent, we cannot take anything for granted. The Omicron threat is real. Pabakuna po tayo para iwas-ospital sa 2022,” dagdag na pahayag nito.

Dalawang linggo ang nakalipas, inaprubahan ng pamahalaan ang pagbabakuna ng COVID-19 booster shot para sa mga indibidwal na nakatanggap na ng two-dose vaccine o fully vaccinated matapos ang tatlong buwan at daalawang buwan matapos ang single shot ng Janssen COVID-19 vaccine.

Tinatayang may 50 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 ayon kay vaccine czar Carlito Galvez.

Ang pigurang ito ay kapos sa target ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 54 milyong Pilipino bago matapos ang taon.

“This [surge of cases] is not how we want to start 2022 so we should keep wearing face mask, wash our hands, maintain social distancing and please get vaccinated,” dagdag na pahayag ni Nograles. Kris Jose