Malakanyang sa US authorities: Pumatay sa Pinay health frontliner sa New York, tugisin

Malakanyang sa US authorities: Pumatay sa Pinay health frontliner sa New York, tugisin

October 13, 2021 @ 8:52 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hinikayat ng Malakanyang ang mga aworidad sa Estados Unidos na usigin o isakdal ang taong pumatay sa Filipina health frontliner sa New York.

Isang Filipina health frontliner sa New York, USA kasi ang nasawi matapos atakin ng isang palaboy na mayroon umanong kondisyon sa pag-iisip.

Kinilala ang biktima na si Maria Ambrocio, 58-anyos, mula sa Bayonne, New Jersey.

“All victims of violations of the right to life are entitled to a speedy domestic remedy. So, we appeal to the US administration to investigate and prosecute the killer of this Filipino nurse,” ayon kay Presidential spokesman Harry Roque.

“We call upon the US government to do what is incumbent upon any state where there is a killing,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi naman ng konsulado na ang nasabing insidente ang pinakabago sa serye ng karahasan na nagawa ng mentally ill individual laban sa mga miyembro ng Filipino community sa New York City simula ng magsimula ang tao.

“Beginning January, we have seen several of our kababayans, most of them senior citizens, violently assaulted by individuals with mental health issues,” ayon sa konsulado sa isang online post noong nakaraang Sabado.

Nakiisa naman ang Philippine consulate sa New York na manawagan sa mga awtoridad na kagyat na gumawa ng hakbang kabilang na ang pagpapaigting sa police visibility, protektahan ang publiko matapos ang surge sa anti-Asian hate incidents.

“We also supported calls for authorities to take the necessary measures to address mental health issues, especially among the homeless,” ayon sa konsulado.

“We reiterate these calls as we mourn our loss but we also ask ourselves: How many more Maria Ambrocios do we have to mourn before the streets would be made safe?” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Sa ulat, sa imbestigasyon ng mga awtoridad, kagagaling lang daw ni Ambrocio sa konsulado ng Pilipinas kasama ang isang kaibigan noong Biyernes, nang bigla siyang paluin ng salarin na 26-anyos.

Napag-alaman na tumatakas nang sandaling iyon ang salarin matapos na manghablot ng cellphone.

Nagtamo ng sugat sa ulo ang biktima na pumanaw sa ospital habang ginagamot.

Naaresto naman ang salarin na mahaharap sa mga kasong robbery at murder.

Ayon naman sa Consulate General, naglalakad ang biktima at kaibigan nito malapit sa Times Square nang mangyari ang pag-atake.

“Maria was walking with a kababayan near Times Square after visiting the Philippine Consulate General when she was struck by the suspect who was reportedly being chased after grabbing a mobile phone from someone,” nakasaad sa FB post ng Philippine Consulate General.

Nakiramay din si Bayonne, New Jersey Mayor James Davis at humingi ng dasal para kay Ambrocio.

Ayon sa alkalde, si Ambrocio ay isang oncology nurse sa Bayonne Medical Center.

“I’m asking for all Bayonne people to say a prayer for Maria Ambrocio. Maria, an Oncology nurse at Bayonne Medical Center, was viciously attacked in an unprovoked assault by a deranged man in Times Square yesterday. Please keep Maria and her family in your thoughts through these difficult days,” anang alkalde sa Facebook. Kris Jose


  •  
  •  
  •