Manila, Philippines – Sinuspinde ng Malakanyang ang kalase sa pampublikong paaralan pati na ang pasok sa trabaho sa executive branch sa buong Metro Manila, simula ala-1, ngayong Martes (July 17), dahil sa masamang lagay ng panahon.
Sinabi ng Palasyo na ang lahat ng klase sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan at government works ay suspendido simula ala-1 ng hapon , ika-17 ng Hulyo.
“The suspension of work for private companies, offices, and schools is left to the discretion of their respective heads,” ayon sa inilabas ng Palasyo na Memorandum Circular 47.
Samantala, binigyang diin naman ng Palasyo na patuloy pa rin ang trabaho sa mga government office na mayroong koneksyon sa pagbibigay ng basic service at emergency response.
“However, those agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness response to disasters and calamities and/or the performance of other vital services shall continue with their operation and render na necessary services.” (Remate News Team)Â