Malakanyang sisilipin ang pagtatapon ng dumi sa WPS

Malakanyang sisilipin ang pagtatapon ng dumi sa WPS

July 14, 2021 @ 6:51 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Bineberipika na ng Malakanyang ang ulat ng pagtatapon ng dumi ng tao ng mga barko ng China sa West Philippine Sea.

“We will verify. We will reply when it is verified,” ani Presidential spokesperson Harry Roque.

Ayon pa kay Roque, hindi dapat kaagad sabihing panghihimasok ang presensya ng mga Tsino sa WPS.

“We should accord our neighbors, friends, presumption of good faith,” aniya.

“We should be reasonable, we should verify before talking back because otherwise, tayo ang mapapahiya,” dagdag ng opisyal.

Batay sa US-based expert, nakasisira sa karagatan ng bansa ang dumi ng tao mula sa mga barko ng China na nakadaong sa South China Sea at ilang parte ng WPS.

Ayon kay Liz Derr, founder at CEO ng Simularity, isang geospatial analysis at nagbibigay ng satellite data imagery, araw-araw nagtatapon ang mga Tsino sa loob ng pitong taon sa mga bahura. RNT/ELM