Malakanyang, tiwala na maipapaliwanag ni Asec. Mocha Uson ang usapin ng Pederalismo

Malakanyang, tiwala na maipapaliwanag ni Asec. Mocha Uson ang usapin ng Pederalismo

August 3, 2018 @ 10:39 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Malakanyang na kayang ipaliwanag ni PCOO Usec. Mocha Uson sa masa ang usapin ng Pederalismo.

Ayon kay Presidential Communication and Operations Office Sec. Martin Andanar kung pag-aaralan ni Asec. Mocha ang power to the people at Bayanihan Federalism ay mai-explain niya ito ng husto sa mga tao.

Binigyan diin din ng Kalihim na hindi umano dapat ismolin o maliitin ang kakayahan ni Asec. Mocha para maging tulay ng Constitutional Commission at ng masang Pilipino para maipaliwang ng maayos ang Charter Change.

Nilinaw naman ni Sec. Andanar na hindi si Asec. Mocha ang magiging Spokesman ng Concom taliwas sa pinapalabas ng mga kritiko.

Paliwanag ng PCOO Secretary, ang magiging papel ni Asec. Mocha ay ipaliwanag sa masa sa simpleng paraan at termino kung ano ang Pederalismo habang may mga abogado naman mula sa Constitutional Commission ang magpapaliwanag para sa mga kumplikadong isyu. Kris Jose