Malakanyang, wala pang agenda ng private meeting nina Pangulong Duterte at Archbishop Valles

Malakanyang, wala pang agenda ng private meeting nina Pangulong Duterte at Archbishop Valles

July 9, 2018 @ 1:33 PM 5 years ago


Manila, Philippines –  Walang maibigay na agenda ang  Malakanyang sa nakatakdang private meeting nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)  President Romulo Valles.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sinabihan siya ng Presidential Management Staff (PMS) na hindi siya puwedeng tumambay sa kuwartong pagdadausan ng meeting dahil ito aniya ay one-on-one meeting sa pagitan ng dalawang Pangulo.

“This was arranged by the President ang Archbishop Valles directly noh?. So, much as we wanted to come up with the agenda they agreed on the date and time of the meeting, it will be a meeting only between the two Presidents.. the President of the CBCP and President Duterte. So, I do not know what exactly  they will be discussing,” ani Sec. Roque.

Sa kabilang dako, sa pagkaka-alam ni Sec. Roque at matapos ang nasabing initial one-on-one meeting ni Pangulong Duterte kay Archbishop Valles ay magkakaroon naman ng pulong ang CBCP sa  4-man committee.

Sa mga susunod na pulong aniya ay mayroong agenda na ang magkabilang panig.

Mamayang hapon ay tuloy na tuloy pa rin ang itinakdang pagpupulong nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP)  President Romulo Valles.

Sa aking pagkakaalam po, tuloy. Pero sa schedule po ng Presidente, nakalagay ay private meeting,” ani Sec. Roque.

Wala naman siyang ideya kung mayroon siyanf maisasapubliko sa pagpupulong na ito.

“Pero tatanungin po natin kay Presidente mamaya,” aniya pa rin.

Ang pagpulong ng dalawa ay napagkasunduan sa nangyaring pulong ng 4-man conmittee na binuo ni Pangulong Duterte para makipag-usap sa Simbahang Katolika at iba pang sekta matapos ang kontrobersiyal na ‘stupid God’ ng Chief Executive. (Kris Jose)