Malakanyang, walang kumpas sa desisyon ng Kamara sa prangkisa ng ABS-CBN

Malakanyang, walang kumpas sa desisyon ng Kamara sa prangkisa ng ABS-CBN

July 10, 2020 @ 3:59 PM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – “Sole prerogative” ng Kongreso ang naging desisyon ng House of Representatives Committee on Legislative Franchises na ibasura ang franchise application ng ABS-CBN Corporation.

Ang natatanging karapatan aniya na ito ng Kongreso ay kinikilala ng Executive branch.

Binigyang diin ni Presidential spokesperson Harry Roque na pinapanatili ng Malakanyang ang ‘neutral stance’ nito sa usapin dahil ginagalang nito ang hiwalay na kapangyarihan on dalawang co-equal branches government.

 

NEWS THREAD: Hirit na bagong prangkisa ng ABS-CBN, binasura ng Kamara

 

TWG, inirekomendang ibasura ang hirit na prangkisa ng ABS-CBN

 

Pagbasura ng Kamara sa hirit na prangkisa ng ABS-CBN, ginagalang ng Malakanyang 

 

“Much as we want to work with the aforesaid media network, we have to abide by the resolution of the House committee,” ayon kay Sec. Roque.

Para naman kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, ginagalang nila ang naging desisyon ng Kongreso na ibasura ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa, araw ng Biyernes, Hulyo 11.

Aniya, walang balak ang Executive branch na manghimasok o makialam sa affairs o kaganapan sa equal branch nito na Legislative branch of government.

Parehong panig naman aniya ay napakinggan sa isyu.

“We leave it to the collective wisdom of the committee apropos its denial of the renewal of franchise,” ayon kay Sec. Panelo.

Mayo 5 nang ipatigil ng National Telecommunications Commission ang pag-broadcast ng ABS-CBN isang araw matapos mapaso ang prangkisa nito.

Bago nito, ilang taong inupuan sa Kongreso ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong lisensiya.

Sa 12 franchise hearing ng Kamara, isa-isang sinagot ng ABS-CBN ang mga paratang na ipinupukol sa kompanya.

Ilang ahensiya na rin ng gobyerno gaya ng Bureau of Internal Revenue at Department of Labor and Employment ang nagpatunay na walang nilabag na batas ang ABS-CBN.  Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...