Malakas na lindol, yumanig sa Papua New Guinea

Malakas na lindol, yumanig sa Papua New Guinea

October 11, 2018 @ 7:28 AM 4 years ago


 

Papua New Guinea – Niyanig ng magnitude 7 na lindol ang Papua New Guinea, kahapon, ayon sa United States Geological Survey.

Namataan ang epicenter ng lindol sa 125 kilometers (75 miles) silangan ng bayan ng Kimbe at may lalim na halos 40 km.

Sa pagtama ng magnitude 7 na lindol, posible magkaroon ng tsunami sa 300 km ng epicenter sa baybayin ng Papua New Guinea, ayon sa Pacific Tsunami Warning Center./Remate News Team