‘MALAKIDLAT’ UMAKSYON SI SEC. ERWIN TULFO

‘MALAKIDLAT’ UMAKSYON SI SEC. ERWIN TULFO

August 23, 2022 @ 11:21 AM 1 month ago


HINDI nagkamali si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pagpili kay broadcaster/journalist-turned public servant Erwin Tulfo bilang kalihim ng Department of Social Welfare and development .

Halos dalawang buwan pa lang kasi si Tulfo sa posisyon ay nararamdaman na ng taumbayan ang pagiging tunay nitong lingkod-bayan, ganoon din ang maraming kaaya-ayang pagbabago sa departamento.

Kung noo’y mahirap lumapit sa DSWD dahil sa masusungit at ‘di maaasahang kawani at sistemang palakasan, ngayon ang lahat ng humihingi ng tulong sa welfare department ay pantay-pantay na kung ituring.

Sa maraming taon, kinububuwisitan ang DSWD dahil sa makupad, walang sistema at mabagal na proseso sa pamimigay ng financial assistance sa nangangailangan ng tulong, pero hindi ngayon na si Tulfo ang kalihim.

Dahil sa kasalukuyang DSWD administration, ang usad-pagong na proseso para makakuha ng tulong-pinansiyal ay bumilis ng limang beses – ang dating limang araw ay nakukuha na sa isang araw lang.

Marami na ang nabago sa ilalim ng liderato ni Tulfo pero ang ramdam na ramdam ng sambayanan ay ang mabilis na pagbabago sa proseso at pagbibigay ng ayuda sa mga nangangilangan ng tulong mula sa departamento.

No less than ang Speaker of the House Martin Romuladez ang isa sa dumadaming nakapapansin sa magandang nangyayari ngayon sa welfare department dahil sa maayos na pumumuno ng dating broadcaster.

Sabi nga ng House speaker, “I commend Sec. Tulfo for this remarkable feat of responsible governance. His efforts only prove that no amount of barriers in the bureaucracy can stop the will of a strong leadership seeking efficiency in government processes.”

Ang marubdob na kagustuhang magsilbi ng tunay plus ang ‘malakidlat’ na pag-aksyon sa mga problema sa DSWD ang sandata ni Tulfo para maging matagumpay sa kanyang kasalukuyang puwesto.

Kaya sa pagkakatalaga sa kanya bilang welfare top man, hindi nagkamali si PBBM sa kanyang naging desisyon dahil sa maayos at pinupuring nangyayari ngayon sa DSWD, panalo taumbayan, panalo ang gobyerno.

Kudos Sec. Erwin Tulfo at buong DSWD.