Malaking bilang ng mga stranded sa bagyong Karding, nakabyahe na – PCG

Malaking bilang ng mga stranded sa bagyong Karding, nakabyahe na – PCG

September 26, 2022 @ 6:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa kabuuang 141 indibidwal na lamang ang stranded National Capital Region at Central Luzon habang papalayo na ang bagyong Karding.

Ayon sa pinakahuling update ngayong Lunes, Setyembre 26 ng Philippine Coast Guard o PCG, kabilang sa mga stranded ay mga pasahero, drivers at cargo helpers.

Stranded pa rin ang 24 rolling cargoes at 3 vessels habang nananatiling nasa ligtas na lugar ang 22 pang vessels.

Kabilang sa mga pantalan na may mga stranded ay ang North Harbor Terminal, Pier 8, Tondo. Jocelyn Tabangcura-Domenden