MALAKING HAMON MULA SA MGA PINTAS AT PUNA

MALAKING HAMON MULA SA MGA PINTAS AT PUNA

December 19, 2022 @ 1:40 PM 1 month ago


ISANG malaking hamon para kay Transportation Secretary Jaime Bautista ang napabalitang ang ating pambansang paliparan- ang Ninoy Aquino International Airport ay pangatlo sa mga “most stressful” airports sa Asia.

Laglag agad kumbaga ang imahe ng ating bansa kapag ang pintas ay tama agad sa airport ng isang bansa, parang nilalahat na ang pintas sa buong Pilipinas. Dahil ang mga paliparan ang nagsisilbing pintuan ng bawat bansa.

Hindi rin basta-basta ang pintas ha? Galing ito sa Travel Blog Hawaiian Islands na nagsagawa ng pag-aanalisa kung saan 1,500 Google reviews ang ginawa sa 500 airports sa buong mundo. Lumalabas na 58 percent ng mga pasahero na naglalabas-pasok sa NAIA ay dumaranas ng ‘stress’.

Masaklap sa isa pang pintas na galing naman sa worldwide luggage storage app na Bounce ang tawag at binansagan pa ang NAIA na “worst business class airport in the world.”

Sabi ng Bounce, ang NAIA raw ang may pinakamababang score hinggil ‘number of destinations’, ‘on-time performance’, at ‘ratings’ mula sa Skytrax, isang air transport rating organization.

Kaya naman agad na kumilos si Bautista dahil alam niyang tatamaan din ng mga pintas ang mahal nating Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Eh, noon pa mang State of the Nation Address ni Presidente Bongbong, inatasan na nito ang Department of Tourism at Department of Public Works and Highways na gawing maginhawa para sa mga biyahero ang mga pasilidad at proseso sa ating mga daanan, para lalong maka-engganyo ng maraming turista.

Ang ginawa ni Bautista, agad na binawasan ang ‘security checks’ mapa-luggage man o pasahero. Ang dagsaan ng bilang ng mga pasehero ay agad din inasikaso ng “mamang” hepe ng transportasyon.Kamakailan lamang ay inanunsiyo ni Bautista ang terminal reassignments para sa Philippine Airlines at AirAsia, upang ang mga “flight” o pag-lipad ng mga eroplano ay mapaghiwa-hiwalay ang mga pasahero nito para umayos ang daloy ng tao sa ating airport.

Sa Terminal 4, naman na may 500 seats capacity lamang, kapag na-delay ang isa o dalawang flight, pihadong kumpulan na ang tao. Kaya minabuti ni Bautista na ang malaking espasyo ng Terminal 1 ay pwede ring gamitin ng mga pasahero ng Terminal 2 na umaapaw na rin sa dami ng mga pasahero.

Dumiskarte rin si Bautista na gumawa pa ng pilot test para mabawasan pa ang mgasecurity check lalo na para sa mga flight papuntang United States. Sabi pa ni Bautitsa, maaari pang magtanggal ng isang security check mula sa apat na ganitong sistema na dinaraan ng bawat pasahero.

Hindi naman pakaang-kaang itong si Bautista kaya nga siya ang napili ni PBBM na pangunahan ang DoTr, dahil may kakayahan itong gumawa ng mga diskarte para harapin ang mga nagsusulputang problema sa kanyang teritoryo at hindi naman maging pabigat pa sa pamunuan ni Presidente Marcos na sa ngayon ay unti-unitng gumaganda ang takbo dahil sa mga pagbabago.
oOo oOo oOo

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!