MALAKING NEGOSYO SUPORTADO ANG “ECONOMIC AGENDA” NI PANGULONG BBM

MALAKING NEGOSYO SUPORTADO ANG “ECONOMIC AGENDA” NI PANGULONG BBM

October 3, 2022 @ 6:50 PM 2 months ago


MULING nagpahayag ng solidong suporta at pakikipagtulungan ang walong malalaking negosyo sa bansa sa liderato ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. matapos marinig ang konkretong economic agenda ng administrasyon sa isinagawang Philippine Economic Briefing sa New York, United States, habang nasa working visit ang Pangulo. 

Ikinatuwa ng mga negosyante ang magandang pagtingin ni Pangulong BBM sa private sector at sa public participation partikular sa mga inilatag na mga programa at inisyatiba. Asahan na pagpasok ng private capital sa public sector projects.

Sa nasabing economic forum, ibinida nina DOF o Department of Finance secretary Benjamin Diokno ang mga bagong batas na nagpabago sa business climate ng bansa kabilang ang Foreign Investment Act, Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act, at ang CREATE law o ang “Create Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act” o Republic Act No. 11534 na magbibigay ng aabot sa isang trillion pesos tax relief sa loob ng sampung taon sa mga domestic micro, small and medium businesses, corporations, at foreign enterprises.

Human capacity investment naman ang paglalaan ng pamahalaan ng malaking budget sa education, health at infrastructure ayon kay DBM o Department of Budget and Management secretary Amenah Pangandaman.

Sabi naman ni Pangulong BBM, magpapatuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan sa international community para makaakit ng mga mamumuhunan sa bansa.

Habang nasa New York, humarap ang Pangulo sa New York Stock Exchange Economic Forum, sa pulong ng Asia Society at World Bank, at serye ng mga roundtable discussions.  

Kabilang sa mga nakasamang negosyate ng Pangulong BBM sa kanyang working visit ay sina –

  • Jaime Zobel de Ayala ng Ayala Corporation;

  • Sabin Aboitiz ng Aboitiz Group;

  • Enrique Razon ng International Container Terminal Services, Incorporated;

  • Manuel Pangilinan ng Metro Pacific Investments Corporation;

  • Ramon Ang ng San Miguel Corporation;

  • Lance Gokongwei ng JG Summit Holdings, Incorporated;

  • Doris Ho ng Magsaysay Group; at

  • Hans Sy ng SM Prime Holdings

 

Pinagtutuunan ng pansin ng Marcos’s administration ang economic recovery ng bansa buhat sa pandemya at sa sunod-sunod na mga kalamidadna dumating.