Malaking parte sa pondo ng CHED inilaan sa libreng matrikula sa SUCs

Malaking parte sa pondo ng CHED inilaan sa libreng matrikula sa SUCs

September 17, 2020 @ 2:34 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inilaan ng Commission on Higher Education (CHED) ang malaking bahagi ng kanilang badyet sa taong 2021 sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA).

Sa datos ay ilalaan ang P44.2 bilyon sa kanilang panukalang P50.9-bilyong 2021 budget ay sa UAQTEA.

Batay sa panig ni CHED Chairman Prospero De Vera, inaasahan na nila ang pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng mag-eenroll dito sa susunod na taon.

Naitala noong 2019 ang 1.33-milyong estudyanteng libreng nakakapag-aral sa mga state universities and colleges at mga local universities and colleges dahil sa UAQTEA. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...