Malalang epekto ng paggamit ng fossil fuels nararanasan na – UN

Malalang epekto ng paggamit ng fossil fuels nararanasan na – UN

September 10, 2022 @ 4:41 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sumasalo na ng matinding kabayaran dahil sa sobra-sobrang paggamit ng fossil fuels ang iba’t ibang bansa sa mundo.

Ito ang sinabi ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres makaraang hagupitin ng matinding baha ang Pakistan na kumitil sa buhay ng halos 1,400 mga residente.

“Pakistan and other developing countries are paying a horrific price for the intransigence of big emitters that continue to bet on fossil fuels,” ani Guterres sa pamamagitan ng isang tweet.

“From Islamabad, I am issuing a global appeal: Stop the madness. Invest in renewable energy now. End the war with nature,” dagdag pa niya.

Ang matinding pag-ulan sa Pakistan na ngayon lamang naranasan sa loob ng ilang dekada ay malinaw na epekto ng umano ng climate change. RNT/JGC