MALALIM NA USAPIN VS P2.4B LAPTOP

MALALIM NA USAPIN VS P2.4B LAPTOP

August 24, 2022 @ 4:12 PM 1 month ago


MALAKING usapin ngayon ang biniling mga laptop ng Department of Education  para sa mga guro na sinasabing “pricey and outdated.”

Ito’y matapos makita ng Commission on Audit  na umaabot sa P58,300 bawat isa ang laptop na presyong high-end gayong ang laman nito ay low-end processor lamang.

Ang unang plano kasi ng DepEd ay bumili lamang ng laptop na halagang P35,046.50 kung saan aabot sa 68,500 public school teachers ang mabibigyan.

Pero dahil nga sa umabot sa mahigit P58K bawat isang laptop ay naging 39,583 guro lamang ang nabigyan at nakinabang.

Nasa P2.4 bilyon ang isinuka ng gobyerno sa pagbili ng mga laptop na ito. Bukod sa mga opisyal na nag-karoon ng papel sa pag-apruba at pagbili ng naturang mga laptop, natural na nalagay din sa malaking kuwestyon ang kredibilidad ng kumpanyang nag-supply ng laptop ang LDLA Marketing and Trading Inc.

Pero ang nagiging isyu pa ngayon ay kung pinaboran  ng the Procurement Service-Department of Budget and Management ang LDLA para sa laptop contract.

Pumalag ang LDLA Marketing  at sinabing ‘hindi sila pinaboran’ ng PS-DBM sapagkat ‘fair and square’ ang laban na pinasok nila sapagkat sila ang talagang nanalo sa bidding.

Bagama’t hindi pa lubusang maituturing na ‘big-time player’ sa information and communication technology  industry,ang LDLA Marketing, gumagawa na ito ng pangalan sa larangan ng industriya at sumisikat umano bilang isang reliable and trustworthy provider ng  state-of-the art digital solutions sa public at private sectors.

oOo

Sino itong sina alyas Jerry at Marcial na nagpapakilalang  ahente ng National Bureau of Investigation  na nanghihingi ng weekly “tara” sa mga illegal operator ng mga pasugalan sa lalawigan ng Batangas.

Ang panakot ng mga ‘tongpats’ na ito sa mga iligalista na kapag hindi sila nagbigay ay mapipilitan silang hulihin ng NBI at ipasara ang kanilang mga pasugalan..

Alam ba ni NBI Director Medardo De Lemos ang paggamit ng dalawang kuneho sa kanyang pangalan sa panghihingi ng lingguhan sa mga sugalan?

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa [email protected]

com o [email protected]