Malalimang Senate probe sa pagbaha sa Cagayan, Isabela, ikinasa ni De Lima

Malalimang Senate probe sa pagbaha sa Cagayan, Isabela, ikinasa ni De Lima

November 27, 2020 @ 5:58 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naghain ng isang panukalang resolusyon si Senador Leila De Lima upang magsagawa ng malaliman at kumprehensibong imbestigasyon sa tunay na dahil kung bakit bumaha nang todo sa Isabela at Cagayan.

Sa pahayag, sinabi ni De Lima na kailangan matukoy ang dahilan ng pagbaha dulot ng bagyong Ulysses upang matukoy at mapaunlad ang pagkukulang ng pamahalaan sa disaster preparedness at risk response.

“There is no lone cause for the record-level flooding experienced by Cagayan. There should be a thorough investigation into these issues that have surfaced in the wake of Cagayan’s worst flooding in recent memory in order to craft policies and develop innovative solutions that are data-driven and responsive to the needs of the people,” aniya

“There is likewise need to resolve the issue on responsibility for the mismanagement of the water levels in the Magat Dam to prevent similar incidents from happening again [and the] need to determine the effectiveness of the DENR programs to prevent illegal logging in Sierra Madre.”

Unang nag-land fall ang bagyong Ulysses noong Nobyembre 11 sa lalawigan ng Quezon saka tinahak ang Centra Luzon kaya’t nagimbal ang Metro Manila, partikular ang Marikina City na hindi nakapaghanda sa pagdaloy ng baha kaya tumaas ang Marikina River sa 22 metro.

Kahit hindi direktang tinamaan ng bagyong Ulysses, nagkaroon ng matinding pagbaha sa lalawigan ng Cagayan dulot ng ulan na dala ng bagyo sa tail end ng cold front.

 Noong Nobyembre 13,  umabot na sa 192.64 meter above sea level (masl) ang antas ng tubig sa Magat Dam  na malapit na sa spilling level na 193 masl. Napaulat na nakabukas na ang pitong gates ng dam sa 18 metro.

Sa paghahain ng panukala, sinabi ni De Lima na ilang posibleng kriminal sa record-level flooding sa Cagayan tulad ng sinasabi ni  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Cashean Timbal, na base sa report ng   Office of Civil Defense (OCD) sa rehiyon na ang sunod-sunod na landfall ng pitong bagyo sa bansa ang nagpalala sa malawakang pagbaha na naranasan sa lalawigan ng Cagayan.

Taliwas ito sa sinabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba na pagkalbo ng kagubatan sa Cordillera at Sierra Madre Mountain  sanhi ng dekadang illegal logging activities ang sanhi ng malawakang pagbaha na naapektuhan an g mahigit 170,000 individual sa 26 munisipalidad sa buong lalawigan.

Samantala, sinabi pa ni De Lima na ayon sa think tank na InfraWatch PH, dapat panagutin ang dam operators sa dam kabilang ang Magat, na nagmadaling buksan ang gates nito sa kasagsagan ng bagyong Ulysses kaya nagkaroon ng agaran at hindi nangyaring pagbaha sa Cagayan.

Punto pa nito, dapat makalikha ang angkop na dam management protocols at epektibong mekanimso sa data gathering at information dissemination na kritikal na bahagi ng disaster mitigation.

“The national government needs a comprehensive and people-centered environmental conservation and disaster risk reduction management plan incorporated into its national development policy in order to better prepare its citizens for future disasters to come.”  Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...