Tila may nakikitang liwanag sa mundo ni dating Sen. Bong Revilla dahil mukhang may linaw ang naging takbo ng hearing sa kanyang kinasasangkutan na kasong plunder.
May mga anggulo na lumalabas na makatutulong sa kanya.
Ang isa nga ay ang testimonya ng dalawang whistleblower na sina Marina Sula at Arlene Baltazar na inutusan mismo sila ni Benhur Luy na idiin si Bong isang linggo bago ang pagharap nila sa kanilang pagtestimonya.
Sa naging testimonya ng dalawang key witness, inginuso nila na mismong si Benhur ang naghanda at pumeke sa mga PDAF document s na gagamitin bilang ebidensiya para madikdik nang husto si Bong.
Sinabi rin ng dalawang key witness na wala raw natatanggap na anomang kickback ang dating senador na mauugnay sa kanya sa kasong plunder na isinampa sa kanya ng grupo ni Benhur .
Sa pagbaligtad nina Sula at Baltazar, makikita ang mabilis na paglinaw ng pag-asa ni Revilla na matutuldukan ang mga tinagni-tagning akusasyon laban sa nasabing dating senador.
Isa kasi ito sa magbibigay ng malaking puntos para sa panig ng dating senador.
Ang testimonya na inihayag nina Sula at Baltazar ay maaaring susi para tuluyan nang malinis ang pangalan ni Revilla sa mapanlupig na akusasyon laban sa kanya.
Bukod kasi sa testimonya ng dalawang key witness ay nagawang sagutin ni Bong ang mga akusasyon laban sa kanya nang muli siyang isalang sa pagtatanong ng mga hurado.
Ipinagdiinan pa ni Bong na kahit kailan daw ay hindi siya nag-prepare at pumirma ng anomang endorsement letters, Memoranda of greement (MOA) at liquidation reports at wala siyang alam sa mga endorsement letter.
Ayon pa kay Bong, tungkulin aniya na mag-request ng pondo sa Department of Budget and Management (DBM) pero hanggang doon lamang ito at wala siyang ipinadalang mga endorsement letter.
Tungkol naman sa co-accused niya na si Atty. Richard Cambe, sinabi ni Revilla na kahit kailan ay hindi niya ito naging chief of staff at sa halip ay head for legislation ang naging papel nito sa kanyang tanggapan.
Ang pagbaligtad ng dalawa ay pag-asa para sa kanya at isang malaking dagok sa panig ng dating gobyerno.
BUKAS NA NAMAN KAYA BUHAY NA NAMAN SI KAP
Sa Dangwa sa likod ng Centermall sa slaughter house, Baguio City ay bukas na naman ang drop ball at color games ng magpartner na sina Kap. Biagtan at kumpare niyang si alias Nestor.
Araw-araw na dinurumog ng mga mangangatay at manunugal ang pasugalan ng mag-partner na ito pero hindi man lamang kumikilos si Baguio City COP Supt. Ranil Seculles
o0o
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa [email protected]yahoo.com o juandesa[email protected].
– JUAN de SABOG