Malamig na panahon, pampataas sa kaso ng COVID – WHO

Malamig na panahon, pampataas sa kaso ng COVID – WHO

October 9, 2022 @ 11:53 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Ibinabala ng World Health Organization na posibleng tumaas na naman ang mga bagong kaso ng COVID-19 dahil sa malamig na panahon.

Sa weekly briefing, sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang ilang mga bansa sa Europa ay nakapagtatala na ng pagtaaas sa kaso ng sakit at marami na rin ang mga naoospital at ilang namamatay.

“This is to be expected as the weather cools and people spend more time together inside, and most countries no longer have measures in place to limit the spread of the virus. We expect reported cases of COVID-19 to increase. But the deaths don’t have to, given we have vaccines and therapeutics that can save lives,” ani Ghebreyesus.

Dagdag pa niya, ang Omicron pa rin ang nananatiling marami sa mga naitalang kaso ngunit patuloy pang inaalam ng mga siyentipiko ang mahigit 300 subvariants.

Suliranin din umano ang pagtamlay ng surveillance, testing at sequencing outputs.

“So, we continue to call on all countries to increase surveillance, testing and sequencing, and to ensure the most at-risk groups are vaccinated,” aniya.

Katulad nito, hinikayat naman ni infectious diseases specialist Dr. Rontgene Solante na kailangan magpabakuna ng karagdagang dose o booster shots ang mamamayan.

“Hindi naman gano’n kataas pero hindi rin gano’n kababa. Every day, we encounter all of these cases although mild to moderate lang. Pero meron talagang na-admit sa hospital, developing severe infection: These are the elderly population, those with multiple comorbidities, and those who are immunocompromised,” ani Solante.

Sa ngayon ay nasa 93.81% na o 73.3 milyon Filipino ang fully vaccinated sa COVID-19 sa huling ulat ng Department of Health nitong Oktubre 6. RNT/JGC