Malamig na simoy ng hangin, asahan na sa pag-exit ng Habagat

Malamig na simoy ng hangin, asahan na sa pag-exit ng Habagat

October 5, 2022 @ 5:03 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Opisyal nang natapos ang panahon ng southwest monsoon o habagat ayon sa PAGASA ngayong Miyerkules, Oktubre 5.

Dahil dito ay asahan na ayon sa ahensya ang mas malamig na panahon sa pag-iral naman ng northeast monsoon o amihan sa mga susunod na araw.

“Recent analyses showed that a significant weakening of the Southwest Monsoon has been observed over the last few days. Moreover, the strengthening of the high-pressure area over the Asian continent has led to the gradual changing of the season,” anang PAGASA sa isang press statement.

“With these developments, the Southwest Monsoon season or known locally as ‘Habagat’ is now officially over,” dagdag pa nito.

Sa kabila nito, nagbabala naman ang ahensya sa nagpapatuloy na La Nina phenomenon na makapagbibigay ng malaking tsansa ng above-normal rainfall conditions at maaaring magdulot ng malalakas na pag-ulan, landslide at baha.

“All concerned government agencies and the public are advised to take precautionary measures to mitigate the potential impacts of these events.” RNT/JGC