Malampaya acquisition deal ni Razon oks na sa DOE

Malampaya acquisition deal ni Razon oks na sa DOE

October 4, 2022 @ 8:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tuluyan nang nasungkit ni ports at gaming billionaire Enrique Razon Jr. ang “matamis na oo” ng Department of Energy para makakuha ng major stake sa Malampaya gas project.

Matapos ang masusing pagrerepaso, sinabi ng DOE na inaprubahan nito ang naging hakbang ng Prime Infrastructure Capital Inc. (Prime Infra) ni Razon na makakuha ng 45% interest ng Shell Philippines Exploration BV (SPEX) sa Malampaya Service Contract 38.

Ang Shell Philippines Exploration B.V. (SPEX) ang magsisilbing subsidiary ng Prime Infra bilang bahagi ng kondisyon kasunod ng pag-apruba.

“Prime Infra was found to be technically, financially and legally qualified as a transferee and as successor to Shell as Operator of the Malampaya natural gas project,” ayon sa DOE.

“SPEX, as a Prime Infra subsidiary, will continue to be technically competent and financially capable to operate the Malampaya Service Contract 38,” dagdag na pahayag ng departamento.

Samantala, welcome naman sa Prime Infra ang naging desisyon ng DOE.

“We welcome DOE’s thorough review and subsequent approval of the SPEX sale given the urgency to sustain the operations of Malampaya vital energy installation and symbol of national pride and to plan for the further development of the existing reserves in light of the current power under supply,” ayon kay Razon, chairman ng Prime Infra.

“We will contribute by doing all that can be done to produce as much gas as possible to sustain production in support of the power demand in Luzon,” aniya pa rin.

Inaasahan naman na itutuloy ng Prime Infra ang full ownership at kontrol sa SPEX sa Nobyembre. Kris Jose