Malampaya deal walang mali – Udenna

Malampaya deal walang mali – Udenna

February 7, 2022 @ 10:00 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Dinepensahan ng Udenna Corporation ni Dennis Uy ang pagbili nito ng shares sa Malampaya natural gas facility.

Bunsod ito ng rekomendasyon ng mga senador na kaso laban kay Energy Secretary Alfonso Cusi para sa pag-apruba sa pagbebenta.

Pinanindigan ng Udenna ang mga naunang pahayag nito “na ang transaksyon ng Chevron ay isang pribadong pagbebenta ng bahagi na isinasagawa sa antas ng pangunahing kumpanya na walang pagbabago sa mga legal na entity na lumalahok sa SC38 consortium o anumang paglilipat ng anumang mga karapatan o obligasyon.”

Nangangahulugan ito na hindi kinakailangan ang pag-apruba mula sa Department of Energy, giit pa ng grupo.

Noong Biyernes, nagpadala ang Senado sa Ombudsman ng isang resolusyon na humihiling ng graft, gross neglect of duty, at grave misconduct charges laban kay Cusi at sa kanyang mga nasasakupan at nanawagan para sa kanyang pagbibitiw.

“Sana ho mabasa ng kinauukulan itong 500-page report natin. Hindi ho namin tiningnan ang pulitika dito,” ani Senate energy committee chair Sherwin Gatchalian sa isang forum. RNT