‘Malasakit Center’ program, kasado na

‘Malasakit Center’ program, kasado na

July 13, 2018 @ 3:59 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Magandang balita dahil magkakaroon na rin ng ‘Malasakit Center’ sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sa Maynila na magkakaloob ng medical assistance sa kanilang mga pasyente.

Nitong Biyernes ng umaga ay lumagda na ng joint administrative order ang Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa paglulunsad ng naturang proyekto.

Nabatid na ang Malasakit center ay isang ‘one-stop shop’ na ang layunin ay maging kumbinyente ang mga pasyente na kukuha ng medical assistance mula sa mga nasabing government agencies.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, malaki ang maitutulong ng naturang center sa mga pasyente dahil hindi na nila kailangang paulit-ulit na pumila kung nangangailangan ng tulong mula sa mga naturang ahensya ng pamahalaan.

“The patients would not have to undergo repetitive process of accomplishing requirements and line up from one agency to another for financial assistance,” ani Duque.

 “This is mainly to unburden the patients to having to go through government agencies to avail financial assistance both direct and non-direct medical cost  and minimize discretion on who can avail said financial aid,” aniya pa.
Noong Pebrero ay una nang naglunsad ng Malasakit Centers sa mga pagamtuan sa Visayas region tulad ng Vicente Sotto Memorial Medical Center, Saint Anthony Mother and Child Hospital, Talisay District Hospital, Eversley Childs Hospital, Gallares Hospital, at Del Valle Hospital.
Tiniyak naman ng Kalihim na plano nilang palawigin pa ang Malasakit Center program sa iba pang government hospitals sa buong bansa. (Macs Borja)

Nilagdaan nina Department of Health Secretary Francisco Duque  at Jose Reyes Memorial Medical Center chief Dr. Emmanuel MontañaWendel Avisado Presidential Assistant ng Special Concern office, Acting Secretary Department of Social Welfare and Development Virginia Orogo, Dr. Shirley Domingo vice president Philippine Health Insurance Corporation at Rubin Magno OIC Assistant General Manager ng PCSO sa isinagawang joint Administrative Order on Streamlining Access ng Medical Assistance Fund na tatawaging Malasakit Center sa Sta Cruz Maynila. (Kuha ni Jhun Mabanag)